EDITORYAL Nasa hukay ang kaliwang paa ng mga journalists
May 6, 2006 | 12:00am
IKALAWA ang Pilipinas sa pinaka-mapanganib na bansa para sa mga mamamahayag, ito ay ayon sa annual report ng Reporters Sans Frontieres or Reporters Without Borders, isang media group na nakabase sa Paris. Ito ang ika-tatlong sunud-sunod na taon na nasa ikalawang ranggo ang Pilipinas bilang delikadong bansa para sa mga journalists. Ang Iraq ang nangunguna sa mga mapanganib na bansa.
Noong nakaraang taon (2005) ang pinaka-madugong taon para sa mga mamamahayag kung saan naitalang pitong journalists ang napatay kabilang ang isang babae na walang awang pinatay sa loob ng kanyang bahay at sa harap pa ng kanyang anak. Wala pa rin namang linaw ang pagpatay na iyon.
Mula noong 1986, 76 na mamamahayag ang napatay at karamihan sa mga ito ay nananatiling hindi nasosolved ng mga may kapangyarihan. Sunud-sunod ang ginawang pagpatay sa mga mamamahayag na para bang mga manok lamang na tinatarget. Hindi maipagkakaila ang katotohanang nakasawsaw ang kaliwang paa ng mga journalists sa hukay.
Noong Martes, bisperas ng World Press Freedom Day, isang tabloid columnist ang binaril at napatay sa Mandaluyong City. Palabas ng bahay ang columnist na si Nicolas Cervantes, 66, ng Bgy. Hagdang Bato, Mandaluyong nang pagbabarilin ng dalawang lalaki. Hindi na nakarating ng ospital si Cervantes. Si Cervantes ay columnist sa isang tabloid sa Surigao City.
Sabi ng isang witness, kalalabas lamang umano ni Cervantes sa bahay nito nang barilin nang malapitan ng mga lalaki. Nakaabang na umano ang mga lalaki at pagkakita kay Cervantes ay nilapitan at binaril. Nang bumulagta si Cervantes, walang anumang naglakad ang mga suspects palayo at saka sumakay ng dyipni na biyaheng Boni-Hulo.
Ayon sa pulis, si Cervantes, bukod sa isang columnist ay confedential agent din ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Bago raw nangyari ang pamamaril, tinawagan ng BIR si Cervantes at pinagrereport sa trabaho.
Laging laman ng column ni Cervantes ang mga bigtime tax evaders. Hard hitting columnist si Carvantes.
Ang kaso ni Cervantes ay tiyak nang mapasasama sa mga nakatambak na kasong pagpatay sa mga mamamahayag. Walang makakamit na hustisya ang kanyang mga kaanak at ang kanilang sigaw ay hindi man lang maririnig. Marami pang magiging katulad nang malagim na pagpatay sa mga mamamahayag at walang aasahang hustisya. Ganyan sa bansang ito na ang pagpatay sa mga mamamahayag ay karaniwan na lamang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended