Ang isyu, tinambangan ng limang hindi pa nakikilalang mga gago si Nicolas Cervantes, isang hardhitting columnist ng isang local newspaper sa Surigao habang walking siya sa Ortigas St., Barangay Hagdang Bato, Mandaluyong City. Binoga si Cervantes nang makita ng mga salarin.
Hindi nilubayan ng mga gago si Cervantes hanggat humihinga pa ito kaya naman nang dalhin siya sa Lourdes Hospital ay dead-on-arrival ang pobreng alindahaw. Hindi na biro ang nangyayari sa mga mamamahayag! Ano na naman ito PNP bossing Art Lomibao, Sir?
Kinondena ng mga miyembro ng Alyansa Filipinong Mamamahayag ang pangyayari. Nakikiramay din ang AFIMA sa pamilyang naiwanan ni Cervantes.
Darating po si Beeny Antiporda at mga miyembro niya sa burol ni Cervantes upang makidalamhati. Dalawa pala sa limang gago ang bumaril kay Cervantes dahil ang tatlong ogag ay nagsilbing lookout. Ika nga, mga watchmen habang inuulan ng bala si Cervantes.
Nananawagan ang AFIMA sa mga nakakita sa pangyayari sana huwag kayong matakot at lumabas kayo para makapagbigay ng testimonya at identification ng mga hoodlums.
Sangkatutak na ang namamatay sa mga journalist sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin, anang kuwagong titik-titik kalawang.
Oo nga, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Bakit kaya pinatay si Cervantes? tanong ng kuwagong Kotong cop.
Tiyak may malaking exposes siyang gagawin.
Tumpak ka diyan kamote!