^

PSN Opinyon

Masaya ang Mayo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KATULAD ng Disyembre, masaya rin ang Mayo sa buwang ito. Maraming bayan sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nagdiriwang ng kanilang pista. Sa Bulacan ay maraming bayan ang nagdaraos ng pista at isa rito ang Calumpit tuwing Mayo 15. Bumabaha ang inumin at mga pagkaing inihahanda ng mga taga-Calumpit gaya ng pamilya ni Dr. Elena Santos-Viray na lahat ng mga bisita ay busog sa mga seafoods na nakahain sa mesa. Marami ring prutas na handa gaya ng mangga, bayabas at pakwan.

Sa Pulilan, Bulacan naman ay natatangi ang parada ng mga kalabaw na sa pagharap sa pinto ng simbahan ay yumuyukod at humahalik sa lupa.

Ang mga taga-Pampanga naman ay hindi rin pahuhuli. Bantog ang husay at sarap magluto ng mga Kapampangan. Iba’t ibang putahe at talagang naiiba ang lutong kare-kare at kaldereta ng pamilya ni Dolores Busos ng Masantol, Pampanga. marami rin silang handang alimango, sugpo at iba pang seafoods. Maganda ang prusisyon sa kapistahan at ang gara ng gayak ni St. Michael Archangel na patron ng mga taga-Masantol na ang pista ay tuwing Mayo 8.

Bukod sa mga pista, masaya rin ang mga Flores de Mayo at mga Santacruzan ng naggagandahang sagala. Pabonggahan ang mga hermano at hermana mayor sa kanilang Santacruzan. May mga kumbidadong artista na maging Reyna Elena at umaarkila pa sila ng mga banda sa prusisyon.

Ang Mayo ay buwan din ng mga bulaklak at romansa. Kapag Mayo ay namumukadkad ang mga rosas at masarap langhapin ang bango ng sampaguita at dama de noche. Sa mga lalawigan ay may mangilan-ngilan pa ring kabinataan na nanghaharana sa kanilang minumutyang dilag.

ANG MAYO

CALUMPIT

DOLORES BUSOS

DR. ELENA SANTOS-VIRAY

KAPAG MAYO

MASANTOL

PAMPANGA

REYNA ELENA

SA BULACAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with