Turuan ng leksiyon ang bastos na babaing estudyante ng CSU
May 2, 2006 | 12:00am
HANGGANG ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung tama o mali ang ginawa ni Teresa Pangilinan, isa sa mga graduating students ng Cavite State University (CSU) na naglabas ng streamers at placards habang nagtatalumpati si President Arroyo dalawang linggo na ang nakararaan. Commencement speaker si GMA sa CSU.
Naging magulo ang pagpigil kay Pangilinan at isa pa nitong kasamang estudyante ng mga miyembro ng PSG at pulisya kaya napatingin si GMA sa pinagmumulan ng gulo. Subalit, hindi naman nagtagal at itinuloy na muli ni GMA ang pagtatalumpati. Si Pangilinan naman ay pinayagang pumila at tinanggap ang diploma kay GMA. Tumingin na lamang si GMA sa rebeldeng estudyante nang iabot dito ang diploma.
Mula noon ay hindi na tinantanan ang pagbatikos sa pambabastos na ginawa ni Teresa na presidente pa naman ng student council ng kanilang university. Kahit mga taga-oposisyon ay hindi sang-ayon sa pambabastos ni Teresa kay GMA.
Ipinaglalaban naman ni Pangilinan at mga kakampi na may karapatan ang estudyante sa ginawa sapagkat hindi raw siya dapat pilitin na respetuhin si GMA dahil sa dami ng ginawang kapalpakan at kasalanan sa bansa. Sinabi ni Teresa na ang ginawa niyang pagpoprotesta ay timing na timing sapagkat siguradong makukuha niya ang atensiyon ni GMA sa mensaheng nais niyang ipaabot dito.
Kahit na ano pang palusot ang gawin ni Teresa, mali pa rin ang kanyang ginawa. Malaking kabastusan ito kay GMA lalo pa at sa isang state university na pinakikinabangan ng libu-libong estudyante, kasama si Teresa.
Sa nangyari, para bang kinumbida ang isang tao na pumunta sa bahay pagkatapos ay lalait-laitin lang pala at babastusin, gaya ng ginawa ni Teresa. Dapat gumawa ng agarang aksyon ang mga opisyal ng Cavite State University upang mabigyan ng leksyon ang batang ito. Ganyan ba ang quality ng mga graduates sa CSU?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended