Arroyo officials sabit din sa Piatco scam
May 2, 2006 | 12:00am
NANUHOL ang Piatco nung 1996 para masilat ang build-operate offer ng Asian Emerging Dragons Corp. sa NAIA Terminal-3. Kunwariy mas mura ang bid ng Piatco miski iba pala ang terms of reference na labag sa batas. Tapos, miski may kontrata, natulog ang Piatco nang dalawang taon. Nang magbago ng administrasyon nung 1998, apat na beses nitong hinimas ang kontrata para pumabor sa sarili. Sa testimonya ng mga kasapi sa proyekto, sina Joseph Estrada at executive secretary Ronaldo Zamora ang inayos.
Pumasok ang isa pang administrasyon. Nagpatuloy ang suhulan, batay sa consultancy contract nung Hunyo 2001 ni Alfonso Liongson, retiradong drug salesman at kamag-anak ng Chengs na may-ari ng Piatco. Kinailangan siya dahil nagbaba ang creditors ng Piatco ng 77 kondisyones para sa unang release ng utang.
Mahal si Liongson. Singil ay $200,000 acceptance fee, $200,000 kada buwan, at $1.8 milyon kung mapapirma ang walong kritikal na opisyales bilang tugon sa 77 hinihingi ng creditors. Magilas din siya. Sa loob lang ng dalawang linggo, napatango niya si nooy-Transport Sec. Bebot Alvarez, sa pamamagitan ni officer-in-charge Willy Trinidad, na muli pang baguhin ang Piatco contract para maglatag na lang ang Piatco ng surface road sa pagitan ng Terminals 1, 2 at 3 imbis na $18-milyong tunnel. Napa-oo rin niya ang transport office na ang Piatco subsidiary PAGS Terminals Inc., kung saan ilegal na bumili ang dayuhang Fraport ng mahigit 40%, ang bago nang contractor-operator ng Terminal-3. Para dun, $1 milyon ang "binayad" kay Liongson.
Sabi ni Vic Cheng Yong sa Senate inquiry, $2.1 milyon lahat-lahat ang nakuha ni Liongson bilang "publicity fees". Kulang yon. Mula sa accounts niya sa HSBC-Hong Kong at BDO-Manila, naglipat si Liongson ng $6.3 milyon sa dalawang front companies sa Virgin Islands. Kasama run ang $2.1 milyong sinasabi ni Cheng na isinalya ni Liongson mula sa Virgin Islands pabalik sa bank accounts ng mga opisyales sa Maynila. Tila nalito si Cheng; nadulas at inamin ang halaga ng mga padulas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am