^

PSN Opinyon

Erap sinangkot sa Piatco scam

SAPOL - Jarius Bondoc -
MULA’T MULA pa, maanomalya na ang NAIA-3. Naagaw ng Piatco ang build-operate-transfer deal mula sa Asian Emerging Dragons Corp. nang mag-bid ito nu’ng 2006 ng mas murang construction cost at mas malaking parte sa gobyerno – pero iba ang terms of reference. Tapos, naghintay ito ng dalawang taon bago mag-construct. Nang maupo si Joseph Estrada, nilakad ng Piatco na mabago ang kontrata nang apat na beses. Tumaas ang construction cost at bumaba ang parte ng gobyerno. Saka lang sinimulan itayo ang kuno’y state-of-the-art airport — na bumagsak ang kisame nu’ng Marso miski hindi pa nabubuksan.

Maanomalya rin ang construction phase. Anang mga testigo sa kaso mismo ng Piatco sa Singapore at partner na Fraport sa Washington, may kolatilya sa kontrata ng general contractor Takenaka Corp. Dapat ibalato ng Takenaka ang trabaho sa subcontractors at suppliers na katoto o lihim na pag-aari ng Piatco at Fraport. Nakalista sa 2-pahinang "Schedule 7" ang mga ito. Angal ni Robin Swinnerton, Takenaka designer, inobliga silang ipasilip sa Piatco at Fraport ang mga bids, lalo na kung wala sa Schedule 7 ang bidders. Tapos, kinikilan ang mga ito nang hanggang 10% ng bid price kapalit ng kontrata. Si Jefferson Cheng, director ng Piatco, ang tagakubra raw ng kickbacks.

Dagdag ni Maurits Van Linder ng Siemens, kinumpromiso ng Schedule 7 ang kalidad ng equipment at construction. Kasi raw, pati mga palsipikadong kumpanya ay binigyan ng Takenaka ng kontrata. Ehemplo ang Crisplant, na palpak ang baggage handling system pero kaibigan ni Chengs na may-ari ng Piatco.

Matindi ang testimonya ni Linder. Hindi lang daw para sa mga taga-Piatco at Fraport ang kickbacks. Kinukubra daw ito para pansuhol sa mga opisyales ng gobyerno nu’ng 2000. Kabilang sa mga sinangkot niya ay sina Erap mismo at noo’y-Executive Secretary na si Ronaldo Zamora.

‘Yon pala ang rason kung bakit apat na ulit binago ang kontrata para pumabor sa Piatco at malugi ang taumbayan!

vuukle comment

DRAGONS CORP

EXECUTIVE SECRETARY

FRAPORT

JOSEPH ESTRADA

MAURITS VAN LINDER

PIATCO

ROBIN SWINNERTON

RONALDO ZAMORA

TAKENAKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with