Mga government vehicle patuloy pa rin ang paggala!
April 28, 2006 | 12:00am
PATULOY ang pagtugis ng BITAG sa mga taong gumagamit ng government vehicle para sa kanilang mga personal na kapritso.
Ang mga sasakyang gobyerno na gamit pang- opisyal at hindi sa paggu-good time.
Maraming operasyon ginawa ang BITAG laban sa mga gumagamit ng mga sasakyang pang-gobyerno na hindi gamit pang-opisyal.
Miyerkules ng gabi pasado alas-diyes, nag-libot ang BITAG sa Quezon City at Parañaque, patuloy pa rin ang laganap na paggamit ng mga "Red plate vehicle" ng mga taong gobyerno.
Naispatan namin ang dalawang government vehicle na nakaparada sa isang kilalang HOTEL sa Quezon City na may sumusunod na plate number SGJ-294 at SGZ 433.
At nang hanapin namin ang may dala ng mga naturang government vehicle walang makapagsabi kung sino at saan ang hinayupak.
Sa Parañaque sa bahagi ng Roxas Boulevard isang mobile patrol ang aming inabutan na nakaparada na may plate number na SFV-402 at isang government vehicle na may plate number SHB-248 sa harapan mismo ng isang KTV sa Parañaque.
At nang mahalata na umaaligid ang aming BITAG surveillance team agad nagpulasan ang mga damuho.
Agresibo ang BITAG sa pagtugis sa mga gumagamit ng "government vehicle o red plate" para gamitin sa kanilang kapritsuhan at sariling kapakanan.
Babala sa mga gumagamit ng red plate vehicle para sa personal na kapritso laging nakakasa ang patibong ng BITAG.
Kasalukuyang ibine-verify ng grupo ng BITAG kung saan at kanino naka-assign ang mga naturang government vehicle, na sinasamantalang gamitin, para sa sariling kapakanan. Abangan sa BITAG bukas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended