^

PSN Opinyon

Carless day nakakataas kilay!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
CONGRATS sa Alyansa ng Filipinong Mamahayag (AFIMA) sa kanilang induction sa Sheraton Hotel last night.

Punung-puno ito at halos nakatayo na ang ibang mga malalapit na kaibigan, mga miyembro ng iba’t ibang Press Corps sa Metro Manila, mga pulitiko tulad nina Congressman Chez Escudero, Secretary Mike Defensor at ang inducting officer nilang si DOJ Secretary to be Chief State Prosecutor pala Jovencito Zuño.

Si Benny Antiporda, ang Prez ng AFIMA, from Remate, Pabs Hernandez, ng Bulgar, Vice-Prez, Jerry Yap, ng Hataw, Treasurer, Fred Cabalbag, ng Remate, Secretary, Lydia Bueno, ng Remate, Auditor.

Butch M. Quejada, ng Pilipino Star NGAYON at PM, Chairman of the Board.

Ang mga blackboard este Board of Directors pala ay sina Joey Venancio, ng Police Files, Joel Egco, ng Manila Standard, Bogs Guerrero, ng Abante Tonight, Nats Taboy, ng Police Files, Almar Danguilan ng Hataw, Jenny Lacorte, ng Abante Tonight, Johnny Magalona, ng Remate.

Marlon Purificacion, ng Taliba, Manager, Allan Encarnacion, ng Hataw, PRO at Dante Vino, Police Files Tonite, PRO.

Ang isyu, magandang pakinggan ang tipid to the bone sa gasoline dahil anumang oras mula ngayon ay parang jet ang price nito kapag bumulusok ng pataas.

Sabi nga, dehins na kayang awatin dahil magmamahal ito sa World market.

Ang panukala ni Compostela Valley Rep. Manuel Zamora ay palawigin ang carless day sa Metro Manila para makatipid daw tayo sa gasoline.

Hindi nga lang sabay-sabay kapag ipinatupad ang panukala ni Zamora. Ang ibig sabihin walang tatakbong sasakyan sa San Juan, Makati, Marikina, Manila, Pasig, QC may araw daw dapat ang pagbiyahe nila.

Bumbero lang, police cars, ambulansiya at mga sasakyan magdadala ng mga pasyente sa ospital ang puwedeng lumabas ng kanilang garahe lalo’t emergency.

Sa puntong ito hindi yata maganda ang gusto ni Zamora dahil sangkatutak ang aangal todits na riding public.

Paano papasok sa office ang mga emplo-yees at sa eskuwelahan ang mga students maglalakad ba?

‘‘Maraming batas ang magagawa kung pag-iisipan lang ito ng husto’’ anang kuwagong lasing sa soft drink.

‘‘Baka maraming nainom na soft drink si Congressman kaya nagbigay ng ganitong panukala’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Kuwentuhan pa lamang itong panukala ni Congressman Zamora marami na ang nagtaasan ng kilay’’ anang kuwagong Kotop cop.

‘‘Ano ang maganda kamote kay Congressman?’’

‘‘Sana mag-isip muna siya ng mabuti" he-he-he!

ABANTE TONIGHT

ALLAN ENCARNACION

ALMAR DANGUILAN

BOARD OF DIRECTORS

BOGS GUERRERO

BUTCH M

HATAW

METRO MANILA

POLICE FILES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with