Naging ugali na ng mga Pinay na tuwing iihi ay maghuhugas na gamit ang sabon at ilang tabong tubig. Ayon sa mga health experts hindi dapat na sa tuwing iihi ay sasabonin at huhugasang mabuti ang ari ng babae. Ipinaliwanag nila na hindi dapat na sa pag-ihi ay hugas agad at gamit ang sabon na may alkaline at nawa-wash-out ang vaginal acidity at dahil dito kaya madaling kumapit ang mikrobyo.
Ipinapayo na maghugas na gamit ang tinatawag na sugarcane vine-gar na inihahalo sa isang tabong maligamgam na tubig. Idinugtong nila na hindi basta suka ang ihaha-lo sa tubig dahil makapipinsala ito sa activity ng vagina. Kailangan ang sugarcane vinegar at dapat na huwag mainit na tubig ang ipanghugas sa vagina.
Kasabihan na sobrang malinis ang mga Pinay kumpara sa mga babaing banyaga na pagkaihi ay pinupunasan na lang ng tissue paper ang kanilang puwerta.
Ang Pinay ay sanay gumamit ng tabo. Okay na linising mabuti ang ari pero huwag itong parating sabunin at ingat din sa mga ina-advertize na feminine wash at para matiyak kung alin sa mga ineendorsong vaginal wash ang mainam na gamitin, sumangguni sa urologist, gynecologist, obstetrician at dermatologist.