^

PSN Opinyon

EVAT sa langis alisin; 168 bubuksan muli!!!

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGTAASAN na ang presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ang gulay at baboy nitong nakaraang ilang araw dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang kalakalan.

Asahan nating tataas din ang presyo ng isda, manok at karneng baka. Susunod din tiyak ang ibang mga grocery items gaya ng asukal, mantika, asin at syempre bigas.

Mahigit P5 kada kilo na ang tinaas ng gulay at mas malaki ang sa baboy. Inaasahang tataas din ang presyo ng manok at baka. Kahit sabihin nilang walang VAT ang mga panindang ito, napilitang itaas ng mga nagtitinda ito dahil sa tumaas ang presyo ng transportation.

Ito ang sinasabi ko noon pa, hindi naman makakarating sa palengke ang mga panindang yan kaya hindi dapat pinagpilitan ng Malacañang at ng mga kaalyado nila sa Kongreso at Senado ang pagpapasa sa batas ng expanded value added tax (EVAT).

Dati rati kasi ay walang EVAT sa produktong petrolyo upang hindi nga makabigat sa lahat pero as usual pinagpilitan ito ni Madam Senyora Donya Gloria at hindi naman pumalag ang mga multinational oil companies dahil papasa naman ito sa atin.

Kung aalisin lang sana nila ang 12% EVAT na pinapataw nila ay malaking kaluwagan sa sambayanan pero bakit naman nila gagawin ang ganun na magpapababa ng koleksyon ng buwis na kanila namang lulustayin. Mga "honorables" sarap gastusin ang pera ng bayan ano?

As usual, nasa atin ang hirap nasa mga corrupt ang sarap!!!
* * *
Magandang balita para sa mga consumers, lalo na ang mga ina ng tahanan na hirap na hirap na sa kabubudget sa kakarampot na suweldo.

Muling magbubukas ang 168 Mall sa Binondo bukas. Komo kilala ito sa pagkakaroon ng mga murang paninda inaasahang dayuhin ito ng mga mamimili at magbibigay ng pressure sa mga malalaking malls na magbaba ng presyo at bawasan ang presyo.

Gagawin ang grand reopening nito matapos silang makatanggap ng award bilang "No. 1 Wholesale Shopping Mall" sa Metro Manila sa idinaos na 2005 National Shoppers’ Choice Annual Award. Iginawad ang parangal sa 168 Mall kahit na sarado sila noong Abril 6 sa Dusit Hotel Nikko ng Sales and Marketing Professionals Association of the Philippines, National Shoppers’ Choice Annual Awards, Shoppers’ Choice Magazines at Asia Pacific Market Research Council.

Malaking gulat sa akin ang award na tinanggap ng 168 dahil buong akala ko ay puro retailers lang ang mga namimili riyan at wala yung mga muling tinitinda sa iba.

Hindi lang pala sila nakakapagtinda ng deretso sa mga consumers na kagaya natin kung hindi sa baba pala ng presyo nila ay sa kanila pa kumukuha ang ibang mga nangangalakal at naititinda pa ng mura-mura sa ating mga kababayang malayo sa 168.

Anyway, upang maiwasan daw uli ang mga problema, pinaaalalahanan ng management ng 168 mall ang lahat ng mamimili at mga nagtitinda na magbigay ng resibo.

Sana lang ang mga karagdagang buwis na makokolekta sa 168 ng administrasyon ay hindi lang mauwi sa mga pork barrel ng ating mga "honorable raw" na kongresista at senador.

Sa pagtatapos, ang naturang award ay angkop sa wikang English na: "you can’t put a good product down."
* * *
Para sa iba pambabastos ang ginawa ni Maria Theresa Pangilinan, Pangulo ng Central Student Government at staff writer ng Gazette ang opisyal na diyaryo ng Cavite State University nang bigla siyang tumindig at humiyaw ng "Patalsikin si Gloria" habang nagdedeliver ng speech si Madam Senyora Donya Gloria.

Pero para sa karamihan sa nakausap ko, lalo na mga Caviteño, patunay daw na nananalaytay sa dugo ni Maria Theresa ang pagka-makabayan dahil hindi ito natakot bagama’t nakapaligid ang mga miyembro ng Presidential Security Group.

Patunay din ang ginawa niya ng kanyang tapang at hinarap niya si Madam Senyora Donya Gloria at deresto niyang sinabi ang kanyang niloloob. Buong tapang niyang isinigaw ang damdamin ng karamihan at sana naman ay magsilbing babala ito kay Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga alipores na naniniwala pa rin sa kanilang sariling propaganda na oposisyon lang at mga kritiko ang galit sa kanya at nais siyang patalsikin.

Problema nila, ngayong nagkaroon ng isang MARIA THERESA PANGILINAN, magkakalakas ng loob ang iba nating mga kababayan na harapang ipakikita kay Madam Senyora Donya Gloria at kanyang mga kakampi, kamag-anak, kapuso, kapamilya, katsokaran, kasabwat, kakutsaba, sipsip at linta na ayaw na sa kanila ng sambayanan.

Asahan nang iiwas sa mga graduation exercises si Madam Senyora Donya Gloria at magdedeliver na lamang ng kanyang speeches na puro pangako at hangin sa mga organisasyong titiyakin nilang puro kakampi at sipsip at sisipot at bibigyan siya ng masigabong palakpak pagkumpas ng director ng Malacañang.

Kaso paano kung kahit saan siya nandoon o kanyang mga alipores ay talikuran na rin at iiwanan ng mamamayang punumpuno na sa panloloko nila? Bibili na lang ba sila uli ng kausap at bisita? Malamang dahil hindi naman pera nila ang kanilang ipambibili.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, mag-e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.

ASAHAN

ASIA PACIFIC MARKET RESEARCH COUNCIL

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

NATIONAL SHOPPERS

NILA

PRESYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with