^

PSN Opinyon

Maging magalang sa lahat ng oras — Cusi

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TONIGHT ang opening ng Trimline Spa sa 2nd floor ng Aseana Power Station sa Diosdado Macapagal Avenue, Parañaque City. Si Jenny Takeda ang may-ari ng magandang spa kaya huwag kayong mag-atubiling magpa-service todits.

Ang isyu, pinaalalahanan ni MIAA bossing Al Cusi ang lahat ng empleado sa NAIA na maging magalang sa lahat ng oras maging sinuman ang kaharap nila. Ito ay matapos ipadeklarang "persona non grata" nina Al at General (ret.) Angel Atutubo, assistant general manager for Emergency and Security si Bernardo Carpio, este mali, Villanueva pala, isang Customs guard sa paliparan sa NAIA Terminal 2 dahil sa pambabastos nito sa dalawang opisyal at ilang kagawad ng Presidential Security Group. Sabi nga, dehins welcome sa NAIA ang mga walang modo!

Nagharap kahapon ng pormal na reklamo sa tanggapan ni BoC-NAIA District Collector Ricardo Belmonte sina Cusi at Atutubo laban kay Bernie. Nangyari ang insidente noong Huwebes ng gabi sa Bay 45 ng Centennial Terminal 2 habang hinihintay nina Cusi, Atutubo at ilang miyembro ng PSG ang paglabas ng kanilang passenger.

Nag-ala-Tarzan pala si Bernie dahil sinigawan nito ang mga top brass ng MIAA kaya napundi ang mga bossing sa una. Tinakot pa ni Bernie ang mga bossing ng airport na dehins niya bubuksan ang pintuan ng eroplano kung hindi sila aalis sa may harapan.

Hindi nagpakilala sina Al at Atutubo kay Villanueva at minabuti nilang lumayo sa kanilang kinatatayuan at hintaying humingi ng dispensa ang bastos na guwardiya. Pero dehins nag-sorry si Bernie katulad ng ginawa ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo na "I’m sorry sa Hello Garci tape" noong kainitan ng isyu.

Kahit bossing si Al sa paliparan, hindi mo makikita na nagtaas ito ng boses sa kanyang mga employees kahit na pumalpak ang iba sa kanila. Ika nga, may pinag-aralan kasi si Al from La Salle University ito! Sabi nga, may masteral na at doctorate degree pa. He-he-he!

May urbanidad kasi si Al at Atutubo kaya galit ang mga ito sa mga taong bastos.

"Siguro dapat kay Villanueva, sarili lang niya ang kausap niya para walang magalit sa kanya sa kabastusan nito?" anang kuwagong haliparot sa Caloocan City.

"Siguro dapat sagutin ni Willy Jurado, ang bossing ni Bernie dahil sa command responsibility."

"Ano ang dapat gawin kay Bernie?" tanong ng kuwagong sira ulo sa mental.

"Bigyan siya ng salamin at ang imahe niya ang kausapin niya," sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng galis.

"Eh paano naman kung magalit ang imahe nito?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Iyan kamote problema na talaga ni Jurado!"

AL CUSI

ANGEL ATUTUBO

ASEANA POWER STATION

ATUTUBO

BERNARDO CARPIO

BERNIE

CALOOCAN CITY

CENTENNIAL TERMINAL

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with