Bagong pag-asa ng demokrasya?

TUNAY nga ba na maganda para sa demokrasya ang balita na binasura na ng Supreme Court ang Executive Order 464? Marami ang natuwa sa balitang ito, dahil lumalabas na naging independent ang decision ng Korte, kahit karamihan ng mga nakaupong justices ay mga appointees ni Mrs. Gloria Macapagal Arroyo.

Kapansin-pansin na tatlong issue na may kinalaman sa demokrasya ang halos sabay-sabay tinalakay ng Korte, at ang tatlong ito ay mukhang may kinalaman sa isa’t isa. Bago lumabas ang decision sa EO 464, lumabas muna ang decision ng Korte na legal ang panukalang maglabas ng isang "unified" national identification card (ID) ang mga government agencies. Hindi kaya mas mahalaga ngayon sa Palasyo ang national ID, kaya pinagpalit na lamang nila ang EO 464 sa ID?

Kapansin-pansin din na ang Proclamation 1017 ay tinatalakay pa ng Korte, habang inilabas na nila ang decision sa EO 464. Hindi kaya nagkataon lang na mas mahalaga para sa Palasyo ang 1017 kaya parang pinag-palit na lamang ang EO upang mangibabaw ang bisa ng proclamation?

Hangang ngayon, natatawa pa rin ako magmula nang nabasa ko sa complaint affidavit ng CIDG na kaya raw kailangan nang magdeklara ng Proclamation 1017 ay dahil umalsa ang damdamin ng taumbayan, sanhi ng isinulat ng aking bunsong kapatid na si Ike. Possible nga kayang mangyari ito? Na ang isang manunulat na katulad ni Ike ay magpaalsa ng damdamin ng bayan kaya kailangan nang mag-deklara ng "State of Emergency"? Lalo pa akong natawa nang malaman ko na ang pag-monitor pala sa mga sinulat ni Ike ay naka-assign sa isang "anti-terrorist" group sa CIDG. Bakit kaya ganoon ang nangyari? Nasa isip nga ba ang CIDG na ang isang columnist ngayon ay maaari nang maituring na isang "terrorist"? Totoo ang kasabihan na "The pen is mightier than the sword", ngunit hindi ko alam na ang "criticism" ngayon ay para na ring "terrorism".
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. E-mail royseneres@yahoo.com, text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

Show comments