Si Damiana Calayo ng Quezon ay matagal nang kasal kay Roman Bamba at sa loob ng maraming taong pagsasama nila ay hindi magkaanak. Napag-alaman na si Damiana ay may endomitriosis, isang sakit na may kinalaman sa matris. Itoy nangyayari kung ang bumabalot sa matris o ang lining ng matris ay lumampas sa dapat na sukat.
Ang mga sintomas ng endomitriosis ay ang pagiging irregular ng regla, sobrang sakit ng puson kapag nireregla at kung malapit nang reglahin. Sobrang sakit din ang nararanasan kapag nakikipag-sex, sobrang pananakit ng tiyan, nahihirapang umihi at dumumi. Ang mga babaing nagbuntis na lampas sa edad 30 ay posibleng magka-endomitriosis.
Sa mga kababaihang nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas ay dapat na magpatingin agad sa doktor, magpa-cityscan at cancer-determination para matingnan kung may tumor o cancer-makers.