EDITORYAL - Maraming kawatan kaya napag-iiwanan
April 23, 2006 | 12:00am
ANG grabeng katiwalian sa mga tanggapan ng gobyerno ang dahilan kaya patuloy na naghihirap ang bansang ito. At wala namang kakayahan ang pamahalaan para maputol ang kasamaang ginagawa ng mga magnanakaw. O kung may ginagawa man, hindi iyon sapat. May ngipin ang gobyerno pero masyadong mapurol kaya hindi lubusang makagat ang mga corrupt.
At ang grabeng katiwalian sa gobyerno ay hindi nalilingid sa mga opisyal ng ibang bansa. Nananatili silang nakamasid sa nangyayari sa Pilipinas. Nag-oobserba. At kabilang sa mga bansang nag-oobserba ang United States. At wala silang pangimi kung magsabi na ang grabeng corruption at ang kawalan ng batas sa intellectual property rights ang dahilan kaya mabagal ang pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang kabagalang ito sa pag-unlad ang dahilan kaya napag-iiwanan ang Pilipinas na mga katabing bansa.
Sinabi ni US ambassador to the Philippines Kristie Kenny na nangungulelat ang Pilipinas sa mga katabing bansa sa Asia kung ang ekonomiya ang pag-uusapan. Kahit daw lumalakas ang peso kontra sa kanilang dollar, hindi pa rin sapat para makaagapay sa mga katabing bansa. Nagsalita si Kenny sa harap ng mga negosyanteng Amerikano na ginanap sa Shangri-la Hotel noong Miyerkules.
Bagamat hindi na bago ang mga sinabi ni Kenney, maganda namang pampamulat ito sa sara- dong mga mata ng namumuno sa bansang ito. Ang corruption ang hadlang kaya hindi umuunlad. Kung magkakaroon ng seryosong kampanya (hindi ningas-kugon lamang) ang pamahalaan laban sa mga corrupt, baka makasabay na ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa. Huwag puro banta.
Unahin ang mga magnanakaw sa Bureau of Customs kumakamal nang malaki. Maski ang mensahero at guwardiya roon na kakarampot ang suweldo ay nagmamay-ari ng sandamukal na ari-arian at may mga mamahaling sasakyan. Hindi lamang sa Customs, kundi pati na rin sa BIR, DPWH, Immigration, DOH at DepEd ay magkaroon din ng seryosong paglilinis. Huwag lamang suspindihen ang mahuhuling nagnanakaw kundi itapon at hayaang mabulok sa bilangguan. Sila ang dahilan kaya napag-iiwanan ang Pilipinas.
Hindi lamang ang US ang nakakakita sa grabeng katiwalian dito kundi marami pang iba. Napapanahon na para kumilos ang namumuno at magkaroon ng kamay na bakal para durugin ang mga magnanakaw. Kapag nagawa ito, maaaring makabangon at hindi na mapag-iwanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended