Dapat nang mahinto ang ganyang anomalya dahil nakataya ang puhunan ng pamahalaang kasosyo rito. Puhunang dapat sanay lumago para matustusan ang mga programa para sa kapakanan ng taumbayan. Iwas pusoy lagi ang PHC sa pagtawag ng annual meeting. Sinasadya yata ito para huwag mabistong ginagawa nilang gatasan ang naturang kompanya to the detriment of investors which include the government.
Sa isang memo, inatasan ito ng SEC na magpatawag ng pulong noong Abril 17. Imbes na sumunod, ipinanukala ng grupo ni Nieto na magdaos ng special stockholders meeting nung Abril 18 o isang araw matapos ang deadline ng SEC. Nakahalata na sa maitim na balak ng PHC ang SEC. Tinanggihan ang proposal at ni-reset na lang ang pulong ng Mayo 4 sa halip na Abril 17 gaya nang hinihingi sa order nito na may petsang Feb. 26. Hinihingi ng Nieto group sa SEC na ilimita ang pulong sa pag-amyenda sa articles of incorporation nito. Sa ganyang sitwasyon, talagang dapat igiit ng SEC ang awtoridad nito. Hindi ito dapat paikutin ng alinmang kompanya, kung hindiy wala na itong silbi bilang regulatory body ng mga kompanyang saklaw nito. Kung hindiy magiging katatawanan lang ang pagkakaroon ng SEC. Ang ano mang kautusan nitoy dapat igalang ng mga korporasyon.
Tinuran ng legal counsel ng SEC na si Atty. Vernnete Umali-Paco ang nakapending na kaso sa pagitan ng kampo ni Nieto at Victor Africa, pangulo ng Philippine Communications Satellite Corp na aniyay "independent and separate from the petition for calling of meetings before the commission." Aniya, hindi dahilan ito para bigyang katuwiran ang pagpapaliban sa pulong ng korporasyon.