^

PSN Opinyon

"Kamaong bakal" vs PHC

- Al G. Pedroche -
GINAMITAN na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ng "kamaong bakal" ang Philcomsat Holdings Corp. (PHC) para magdaos ng stockholders meeting na dapat sana’y noong Mayo 2005 pa ginawa. Mukhang sinadya ng magtiyong Benito Araneta at Manuel Nieto, pangulo ng PHC na huwag magpatawag ng naturang pulong. Ito’y tahasang paglabag sa by-laws ng kompanya. Mismong stockholders ang nagreklamo sa SEC porke hindi nga naman nila malaman ang kalagayan ng kanilang puhunan sa kompanya.

Dapat nang mahinto ang ganyang anomalya dahil nakataya ang puhunan ng pamahalaang kasosyo rito. Puhunang dapat sana’y lumago para matustusan ang mga programa para sa kapakanan ng taumbayan. Iwas pusoy lagi ang PHC sa pagtawag ng annual meeting. Sinasadya yata ito para huwag mabistong ginagawa nilang gatasan ang naturang kompanya to the detriment of investors which include the government.

Sa isang memo, inatasan ito ng SEC na magpatawag ng pulong noong Abril 17. Imbes na sumunod, ipinanukala ng grupo ni Nieto na magdaos ng special stockholders meeting nung Abril 18 o isang araw matapos ang deadline ng SEC. Nakahalata na sa maitim na balak ng PHC ang SEC. Tinanggihan ang proposal at ni-reset na lang ang pulong ng Mayo 4 sa halip na Abril 17 gaya nang hinihingi sa order nito na may petsang Feb. 26. Hinihingi ng Nieto group sa SEC na ilimita ang pulong sa pag-amyenda sa articles of incorporation nito. Sa ganyang sitwasyon, talagang dapat igiit ng SEC ang awtoridad nito. Hindi ito dapat paikutin ng alinmang kompanya, kung hindi’y wala na itong silbi bilang regulatory body ng mga kompanyang saklaw nito. Kung hindi’y magiging katatawanan lang ang pagkakaroon ng SEC. Ang ano mang kautusan nito’y dapat igalang ng mga korporasyon.

Tinuran ng legal counsel ng SEC na si Atty. Vernnete Umali-Paco ang nakapending na kaso sa pagitan ng kampo ni Nieto at Victor Africa, pangulo ng Philippine Communications Satellite Corp na aniya’y "independent and separate from the petition for calling of meetings before the commission." Aniya, hindi dahilan ito para bigyang katuwiran ang pagpapaliban sa pulong ng korporasyon.

ABRIL

BENITO ARANETA

MANUEL NIETO

NIETO

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIPPINE COMMUNICATIONS SATELLITE CORP

SEC

SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

VERNNETE UMALI-PACO

VICTOR AFRICA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with