Ang UTI at vaginitis
April 21, 2006 | 12:00am
ANG UTI ay urinary track infection na common sa mga babae na ang tubo ng labasan ng ihi ay maiksi. Itoy dumadapo sa mga kababaihang umeedad 18 pataas na nagkaroon na ng sexual activity at mga babaing nagbubuntis. Nagkakaroon din ng UTI ang mga babaing madalas magpigil ng ihi. Dahil sa pagpipigil ay nagkakaroon ng high concentration na pinamamahayan ng bakterya. Makakaranas din na parang binabalisawsaw. Meron ding tinatawag na feeling of urgency at ito iyong gustong-gusto pero hindi naman maihi. Kapag ang mga nabanggit ay maranasan nyo, agad kayong kumunsulta sa isang urologist. Ugaliing uminom ng walong basong tubig araw-araw.
Ano ang pinagmumulan ng vaginitis o ang impeksiyon sa kanyang ari? Ayon sa kilalang obstetrician-gynecologist na si Dr. Concordia M. Pascual, dapat na maging maingat ang mga kababaihan sa kanilang vaginal discharge. Ang mga sintomas ng vaginitis ay ang pangangati ng kanilang puwerta, nakakaranas ng irritation at napakasakit sa tuwing silay nakikipagtalik at hirap din sa pag-ihi. Ayon kay Dr. Pascual, kapag napuna ang mga nabanggit na vaginal discharge, agad na kumunsulta sa doktor.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended