^

PSN Opinyon

Saludo ako sa’yo Sr. Supt. Cipriano Querol

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MULI na namang tinanghal na number 1 sa Performance Evaluation Rating ng Philippine National Police (PNP) ang Capiz Police Provincial Office sa unang Quarter ng 2006 sa Region VI. Nilampaso ni Police Senior Supt. Cipriano Querol ang mga hepe ng pulisya ng limang lalawigan na kinabibilangan ng Negros Occidental, Iloilo, Antique, Aklan at Guimaras sa kanyang katapangan at katapatan sa pagpapatupad ng mahigpit na siguridad.

Noong last Quarter ng 2005 tinanghal ang Capiz PPO sa unang pagkakataon at muling pinatunayan ni Querol nang muli niyang ungusan ang lima pa niyang police chief sa mga lalawigan. Ito palang si Querol ay nailuklok bilang hepe ng Capiz noong April 20, 2005 lamang.

Mantakin n’yo mga suki, sa loob lamang ng isang taong panunungkulan ni Querol bilang hepe ng Capiz kinilala na siya at ang kanyang mga tauhan sa buong rehiyon, he-he-he!

Nasugpo ang drugs addiction sa buong lalawigan mula nang kanyang ilunsad ang krusada laban sa droga na may temang "Pamilya Ko Ayaw sa Droga" na nagresulta sa pagkaaresto sa mga hinihinalang drug pushers and users. Marami sa mga tulak ang nangibang lalawigan sa takot na makalawit ng kamay na bakal ni Querol kung kaya bumaba ang krimen sa buong lalawigan.

Pinaigting din ni Querol ang kampanya laban sa lose firearms na nagresulta sa pagkumpiska sa mga baril na walang kaukulang lisensya na karamihan sa mga nahulihan ng baril ay yaong mga may-ari at bantay ng mga palaisdaan na sinampahan ng kaso.

Ang dati-rating pugad ng mga kriminal sa Bgy. Baybay sa Roxas City ay nanumbalik sa katahimikan matapos na magtatag si Querol ng Bay Watch Police Patrol. Para sa kaalaman nyo mga suki, ang Bgy. Baybay ay isa sa pinakamalinis na beach sa buong lalawigan kung kaya dinarayo ito ng mga turista at maging local tourists.

Sa buong lalawigan ng Capiz, walang bombing incident dahil ang lahat ng kapulisan ay nakakalat sa mga mataong lugar upang magbigay proteksyon sa mga mamamayan. Pinasigla ni Querol ang programang Police Community Relation upang ang kapulisan at mamamayan ay magkaisa sa pagsugpo ng krimen.

At dahil sa magandang seguridad na pinaiiral sa buong lalawigan, sumigla ang kalakalan ng turismo at unti-unting yumabong ang negosyo at umahon na sa kahirapan ang buong lalawigan ng Capiz . Masuwerte si Capiz Gov. Vicente Bermejo at nagkaroon siya ng isang matapat at masipag na hepe ng pulisya.

Mukhang di na mapigilan ang pagbagsak ng bituin sa balikat mo Senior Supt. Querol, he-he-he. Saludo ako sa isang katulad mo, Sir!

BAY WATCH POLICE PATROL

BAYBAY

BGY

BUONG

CAPIZ

CAPIZ GOV

CAPIZ POLICE PROVINCIAL OFFICE

LALAWIGAN

QUEROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with