^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Daming Pinoy na natitigok na hindi nagagamot

-
MARAMING nagugutom, maraming walang bahay, maraming walang trabaho at ang matindi, maraming namamatay na hindi na nagagamot. Totoo ito batay sa report na ipinalabas ng World Health Organizatin. Marami ang hindi na naeeksamin ng doktor o maski makatikim ng gamot dahil sa sobrang kahirapan. At bukod sa kahirapan, sinisisi rin ng WHO ang kawalan ng mga doktor at nurses sa Pilipinas. Patuloy ang exodus ng mga doktor at nurses at baka isang umaga, baka magising na lamang ang mga Pinoys na wala nang eeksamin sa mga maysakit na nasa hospital.

Pero para sa amin, higit na dapat sisihin ang kahirapan kaya maraming namamatay na hindi na naoospital. At ang ugat naman ng kahirapan sa bansang ito ay masisisi sa talamak ng corruption sa gobyerno. Kung ang gobyerno ay seryoso sa pagbaka sa mga tiwali sa mga tanggapan, mababawasan ang katiwalian at siyempre, maraming laman ang kaban ng bansa na magagamit para sa health care ng mga mahihirap. Sabi ng WHO, "Philippine health care services are on the verge of collapse." Totoo ito at hindi na maitatatwa na unti-unti na ngang nasa pagbagsak ang pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayang Pinoy. Maraming mga maysakit ang hindi na nga nahihipo ng doktor o maski makainom ng gamot. Mas lalong kawawa ang mga maysakit na nasa liblib na barangay sa bansa na doon na lamang hinihintay ang kanilang kamatayan. Paano’y walang maibigay na doktor o nurses maski gamot. Maraming nakapila sa mga charity wards. Halimbawa ay ang nasa charity wards ng Philippine Heart Center for Asia, na kung ilang taon nang nakapila ang mga batang maysakit sa puso at naghihintay na maoperahan pero matagal pa bago makamtan ang kanilang asam. Marami ang pinanawan na ng pag-asa na maooperahan pa.

Ang corruption sa bansa ang ugat ng lahat kaya sagad na ang paghihirap. Noon pa man ay ganito na ang problema. Ang mga nananagana ay ang mga nasa puwesto at mga sakim na pulitiko at ang nagdurusa ay ang mga naghalal sa kanila. Walang ibang nasasaktan at nahihirapan kundi ang mga kapus-palad.

Ngayon ay ang pagbabago ng Saligang Batas ang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno. Nangalap na ng pirma ang isang grupo para maisulong ang pag-ammend sa Constitution at ang pinapirma ay ang mga kawawang mamamayan na nagdaranas ng gutom at karamihan ay hindi makapagpaospital o makapagpadoktor. Inuuna pa ang pagpapalit ng Konstitusyon kaysa supilin ang nadaramang gutom at nakakapit na sakit ng taumbayan.

HALIMBAWA

INUUNA

MARAMI

MARAMING

PHILIPPINE HEART CENTER

SALIGANG BATAS

TOTOO

WORLD HEALTH ORGANIZATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with