Ang pagre-retreat ni GMA at kanyang mga tauhan ay maaaring maghatid ng mensahe sa mamamayan na hindi naman pala kasamaang tao ang mga nasa administrasyon. Marunong din namang humingi ng kapatawaran at handang magpasakop sa kapangyarihan ng Diyos.
Baka ganito ang maging tingin ng mamamayan bilang epekto ng retreat. Sabi nila, masyado raw mataray at walang pakialam sa mga mahihirap ni PGMA, maka-Diyos naman pala talaga siya. Si Executive Secretary Eduardo Ermita ay lumuluhod pala sa harap ng Diyos. Ang matigas na Sectretary of Justice Raul Gonzales ay taob din pala kay Jesus. Ang matinik na Presidential Chief of Staff Mike Defensor ay mistulang tupa sa harap ng Diyos.
Akoy naniniwala na malaki ang magiging kapakinabangan ng retreat na dinaluhan nina PGMA at mga opisyal ng gobyerno hindi lamang sa pansarili kundi para na rin sa bansa. Mas tapat na maglingkod sa bansa ang taong masunurin sa Diyos.
Naway magkaroon ng mabuting epekto ang dinaluhang Holy Week retreat ni PGMA at mga opisyal niya.