^

PSN Opinyon

Retreat nina GMA at Cabinet members

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NAG-RETREAT si President Gloria Macapagal-Arroyo at mga Cabinet members sa Baguio City noong nakaraang Mahal na Araw.

Ang pagre-retreat ni GMA at kanyang mga tauhan ay maaaring maghatid ng mensahe sa mamamayan na hindi naman pala kasamaang tao ang mga nasa administrasyon. Marunong din namang humingi ng kapatawaran at handang magpasakop sa kapangyarihan ng Diyos.

Baka ganito ang maging tingin ng mamamayan bilang epekto ng retreat. Sabi nila, masyado raw mataray at walang pakialam sa mga mahihirap ni PGMA, maka-Diyos naman pala talaga siya. Si Executive Secretary Eduardo Ermita ay lumuluhod pala sa harap ng Diyos. Ang matigas na Sectretary of Justice Raul Gonzales ay taob din pala kay Jesus. Ang matinik na Presidential Chief of Staff Mike Defensor ay mistulang tupa sa harap ng Diyos.

Ako’y naniniwala na malaki ang magiging kapakinabangan ng retreat na dinaluhan nina PGMA at mga opisyal ng gobyerno hindi lamang sa pansarili kundi para na rin sa bansa. Mas tapat na maglingkod sa bansa ang taong masunurin sa Diyos.

Nawa’y magkaroon ng mabuting epekto ang dinaluhang Holy Week retreat ni PGMA at mga opisyal niya.

vuukle comment

ARAW

BAGUIO CITY

DIYOS

HOLY WEEK

MARUNONG

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF MIKE DEFENSOR

SECTRETARY OF JUSTICE RAUL GONZALES

SI EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with