^

PSN Opinyon

Congrats, Jess Verzosa!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HAPPY EASTER sa lahat ng mga kasangga at readers ng PSN sa Hong Kong siyempre kasama rin ang Pinas. Nananawagan naman ako sa kapulisan at barangay na maging vigilant sila ngayon, sa bukas, Sabado at Linggo dahil karamihan sa madlang people ngayon ay alaws sa kani-kanilang mga haybol. Ika nga, bantayan ang community.

May plano kasi ang mga akyat bahay na tumira sa mga araw ng kuwaresma dahil alam nilang nagpapahinga o nasa bakasyunan ang mga owners ng houses ngayon Semana Santa. Kaya masusubukan natin ang mga lespu sa mga araw na ito. Amen!

Ang isyu, tiwala ang pamunuan ng Philippine National Police kay CIDG bossing Jess Verzosa kaya naman inirekomenda kay Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang promotion. Two Star General na si Jess! Congrats. Pero waiting pa rin tayo sa final confirmation.

Kaya pala noong mga nagdaan days ay may mga bad releases at white papers ang naglabasan regarding kay Jess at ang mga tauhan niya sa CIDG. Natunugan pala ng mga critics niya ang promotion ni Verzosa.

Sayang mga kamote hindi ninyo naharang ang promotion ni Bigote. Bhe, buti nga!

Magaling na tao si Jess tapat sa tungkulin at hindi pipitsuging police investigator. Niyari si Jess noong siya ang bossing ng Intelligence Group sa Crame dahil may mga ogag na nagpatakas kay Fathur Rothman Al yosi este mali Ghozi pala. Matinding pressure ang nangyari kay Jess kaya naman takbo agad siya kay dating PNP bossing Jun Ebdane para magpa-relieve pending investigation. Sabi nga, for delicadeza!

Pumasok din ang Feliciano Commission para sa masusi at malalimang investigation sa awa ng Maykapal napatunayan walang kaso o kinalaman si Jess sa pagtakas ni Al yosi este mali Ghozi pala. Up to now ang isyung ito ay ginagamit kay Jess pero sa pamunuan ng PNP na nagtitiwala sa una ay close book na toits. Ika nga, story telling a lie lang ang ginawa kay Jess.

Miyembro ng PMA Class 76 si Jess at karamihan sa kanyang mga mistah na pawang mga heneral na rin ay natutuwa dahil si Jess ang unang naging Two-Star sa kanilang klase.

‘‘Hindi ba maraming bugok sa CIDG?’’ tanong ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Sinabi mo pa pero may warning si Jess sa kanila,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Pina-recall nga ni Jess ang lahat ng CIDG Ids sa mga civilian at pinagbawalan niya ang kanyang mga tauhan na huwag pumapel sa Bureau of Customs,’’ anang kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Kaya pala parang mga santo-santito ang ilang bugok todits.’’

‘‘May paglalagyan sila kay Jess kapag gumalaw sila ng hindi maganda.’’

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

CRAME

FATHUR ROTHMAN AL

FELICIANO COMMISSION

GHOZI

HONG KONG

JESS

KAY

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with