^

PSN Opinyon

Sakripisyo

- Al G. Pedroche -
ANG sakripisyo ay pagpaparaya sa sarili para sa ikabu-buti ng nakararami. Iyan ang diwa ng Semana Santa. Ipinagkaloob ng Diyos ang buhay ng bugtong na anak na si Jesu-Cristo alang-alang sa ikaliligtas ng sangkatauhan sa gapos ng kasalanan.

Iyan din ang dapat gawin ng mga taong bumubuo sa Commission on Elections (COMELEC) na ngayo’y lugmok ang kredibilidad at di na pinagtitiwalaan ng taumbayan. Hindi naman sila kailangang maipako at mamatay sa krus pero dapat silang magbitiw para manumbalik ang nawalang tiwala ng mamamayan sa institusyong ito.

May rekomendasyon kay Presidente Arroyo si dating Chief Justice Hilario Davide. Ito ang malawakang pagbalasa sa Commission on Elections (COMELEC). Si Davide ang opisyal na tagapayo ng Pangulo sa repormang elektoral. Masusi raw kinukonsidera ng Pangulo ang rekomendasyong ito.

Inutil na ang COMELEC dahil sa mga sumingaw na anomalya ng pandaraya noong nakaraang eleksyon. Mahalaga ang public perception. Totoo man o hindi ang alegasyon, masamang indikasyon kapag namatay ang tiwala ng taumbayan dito.

With all due respect to
COMELEC Chairman Ben Abalos and the other members of the commission, sa palagay ko’y sila na ang dapat kusang magbitiw. Sumingaw ang mga iregularidad tungkol sa COMELEC sa panahon ng kanilang panunungkulan. By virtue of command responsibility, gustuhin man niya o hindi, damay si Abalos sa mga inaakusang "kabulukan" laban sa institusyong dapat sana’y igalang at pagkatiwalaan ng mamamayan. Damay pati lahat ng komisyonado. Ang sakit ng kalingkingan ay sakit ng buong katawan, sabi ng matandang kawikaan.

Mayroon man o walang rekomendasyon para sa malawakang pagbalasa si Davide, dapat noon pang unang lumutang ang "Hello Garci" issue, nagsipagbitiw na lahat ang mga miyembro ng komisyon para manatili ang tiwala ng mamamayan dito. Ngunit nakita ng buong sambayanan kung paano idinepensa ni Abalos si dating komisyunado Virgilio Garcillano. Kesyo "unfair" daw na paratangan si Garcillano ng ganoong katiwalian sa panahong naghihintay pa ito ng kumpirmasyon ng commission on appointments ng Kongreso.

Kung noon pa ginawa ng namumuno at mga miyembro ng COMELEC ang pagbibitiw, baka sakaling maglaho ang masamang hinala sa kanila ng taumbayan.

vuukle comment

ABALOS

CHAIRMAN BEN ABALOS

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

HELLO GARCI

IYAN

PANGULO

PRESIDENTE ARROYO

SEMANA SANTA

SI DAVIDE

VIRGILIO GARCILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with