^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Ipako sa krus ang mga modernong Judas!’

-
MARAMI ngayong makabagong Judas. Iba’t iba ang kanilang mga mukha. Mababangis, malulupit at walang kasing-corrupt. Kung ang Judas na nagkanulo kay Jesus ay nagsisi at pagkaraan ay nagbigti nang patiwarik, ang mga makabagong Judas ay walang pagsisisi at lalo pang bumabangis.

Maraming kawatang Judas sa mga ahensiya ng pamahalaan. Patuloy ang mga Judas sa kanilang pagnanakaw sa Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and Highways.

Mas nakalalamang ang mga magnanakaw na Judas sa Customs sapagkat madalas na may sinususpinde roon. Noong Lunes, isa na namang Customs official ang sinuspinde ng anim na buwan. Wala siyang tatanggaping suweldo. Bagsak sa "lifestyle check" ang nasabing Customs official sapagkat nabuking ang kanyang sandamukal na mga ari-arian. Maraming bahay, sasakyan at ang mga anak ay may sariling condo unit.

Kamakailan lamang, isang sekyu sa Customs house sa Pasay City ang kinasuhan sapagkat may limang bahay sa mga class na subdivision sa Pasig. Bukod sa bahay at lupa, 10 ang kanyang mga sasakyan.

Marami pang Judas hindi lamang sa Customs kundi sa marami pang ahensiya at hindi sila marunomg magtika.

Mababangis ang mga Judas na holdaper at carjacker. Kapag hindi naibigay ang kanilang hinihingi, pinapatay ang biktima. Katulad ng isang Call center employee na binaril ng isang holdaper kamakailan nang hindi ibigay ang cell phone. Ang cell phone ay nagkakahalaga ng P25,000. Naglipana ang mga Judas na holdaper at malalakas ang loob kahit na kaliwanagan ng araw ay nanghoholdap. Marahil nalalaman nilang palpak ang kampanya ng kapulisan laban sa mga tulad nilang Judas.

Naghihintay naman ng pagkakataon ang mga Judas na terorista para makapagsabog ng lagim. Umaatake nang patraidor at ang mga kawawang mamamayan ang nagbubuwis ng buhay. Kamakailan lamang, isang building sa Jolo ang tinaniman ng bomba at may namatay. Ang mga Judas na Abu Sayyaf ang may kagagawan.

Marami pang mga modernong Judas sa ngayong panahon at lahat sila ay walang balak magsisi sa kanilang kasalanan.

Ipako sa krus ang mga modernong Judas kapag sila ay nasakote. Iyan ang parusa sa tulad nilang Judas. Pero kaya naman kaya ng gobyerno na ipatupad ang parusang kamatayan?

ABU SAYYAF

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JUDAS

KAMAKAILAN

MABABANGIS

MARAMI

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with