^

PSN Opinyon

Ang kalbaryo ni Jesus

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA Huling Hapunan ni Jesus inihayag Niya sa 12 alagad na ang tinapay ay ang Kanyang laman at ang alak ang Kanyang dugo. Benendisyunan ang mga ito at sinabi, ‘‘Gawin n’yo ito bilang pag-alaala sa akin.’’ Ibinahagi ang mga ito sa kanyang mga alagad.

Isa pang mapagpakumbabang ginawa ni Jesus ay ang hugasan at hagkan ang mga paa ng 12 alagad. Sa mga sandaling iyon ay pinasok ni Satanas ang katawan ni Judas na nagkanulo kay Jesus. Tinanggap ni Judas sa mga punong Saserdote ang 30 pirasong pilak kapalit ng kanyang pagtatraydor. Dinakip si Jesus. Hinubaran, inalimura, hinampas, pinatungan ng koronang tinik at iniharap kay Poncio Pilato. Dahil walang makitang kasalan naghugas ng kamay si Pilato tapos ay pinapili ang mga Hudyo kung sino kina Jesus at Barabas, isang magnanakaw at mamamatay-tao ang dapat na palayain. Malakas ang sigaw ng mga Hudyo na si Barabas ang palayain at ipako sa krus si Jesus.

Dahil sa kasalanan ng tao kaya tiniis ni Jesus ang kalbaryo. Magsisi tayo sa mga nagawang kasalanan.

BARABAS

BENENDISYUNAN

DAHIL

DINAKIP

HUDYO

HULING HAPUNAN

JESUS

KANYANG

PONCIO PILATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with