Namamayagpag ang EZ2 at lotteng ni Bardot sa Marikina
April 12, 2006 | 12:00am
HABANG namamahinga itong si Metro Manila jueteng king Tony Santos, aba pinasok naman ang teritoryo niya ng isang alyas Bardot na tubong Pampanga. Sa ngayon, namamayagpag ang negosyo ni Bardot na EZ2 at lotteng sa siyudad ni Marikina Mayor Maria Lourdes Fernando. Ayaw kasing kagatin ni Santos ang Small Town Lottery o STL kayat minabuti ni Bardot na sumingit muna sa Marikina City. Ito kasing mga taga-Marikina ay likas na sugarol kaya tiba-tiba sa ngayon si Bardot, na nagyayabang na bagyo sila kay CIDG director Chief Supt. Jesus Versoza. Owww! Tingnan natin! Ang nakakaladkad dito sa pasugalan ni Bardot ay walang iba kundi ang hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Manny Gaerlan. Bakit pinapayagan ni Mayor Fernando na taga-ibang planeta ang makinabang sa siyudad niya? Iboboto ba siya ni Bardot eh, maliwanag na taga-Pampanga siya? Sobrang buwenas naman ni Bardot at nalinlang niya si Mayor Fernando, he-he-he! May hangganan tiyak ang buwenas ni Bardot, di ba mga suki?
Ang mayor kabo pala ni Bardot ay si alyas Charlie na taga-Tumana sa Bgy. Concepcion at ang tagapamahala naman ng intelihensiya niya ay si alyas Benjie. Ang sub-mayor kabo ay si alyas Waway samantalang si alyas Eddie naman ang tumatayong right hand man ni Benjie. Sa pagkaalam ng mga kausap ko sa Manila Police District (MPD) kumpleto rekado ang grupo ni Bardot dahil may abogado pa sila na tagapag-ayos ng kaso kapag may nahuhuli sa kampo nila. Bigatin pala si Bardot, no mga suki? Kapag hindi kumilos sina Versoza at Gaerlan laban kay Bardot sa darating na mga araw, ibig sabihin niyan nadungisan na rin sila ng kumikinang na salapi ng gambling lord ng Pampanga. Get mo Mayor Fernando Maam?
Si alyas Nestor pala na tumatayong man Friday ni Gaerlan ang kausap ni Bardot. Tiyak maganda ang usapan ng dalawa dahil nakapag-operate roon si Bardot eh kilalang abot langit kung manghingi ng lingguhang intelihensiya si Nestor. Tulad na lang ng peryahan ni Romy Caloocan sa Lamuan, Bgy. Malanday, na lumayas dahil hindi nakayanan ang hinihinging lingguhang intelihensiya ni Nestor.
Ang alok ni Romy Caloocan ay P60,000 goodwill money at P25,000 weekly. Pero ang hirit ni Nestor ay P90,000 goodwill at P40,000 weekly. Kayat hayun, lumayas si Romy Caloocan sa puwesto niya sa tabi ng Roosevelt College dahil hindi siya makahinga sa presyo ni Nestor. Baka gustong maging milyonaryo ni Nestor at amo niya habang nasa siyudad pa sila ni Mayor Fernando? Kayat sa tingin ng mga kausap ko na-presyuhan na rin ni Nestor si Bardot, kayat hindi siya nag-iingay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended