Mahal na Araw, magsisi ang mga corrupt!
April 11, 2006 | 12:00am
DAGSA na ang mga nagsisiuwi sa mga probinsiya para doon idaos ang Holy Week. Ang mga mayayaman ay sa ibang bansa magbabakasyon. May balita ako na maraming kongresista, Cabinet members at iba pang opisyal ng gobyerno ang nagtutungo ng Amerika at Europe upang doon lustayin ang kanilang mga kinita.
May nagbulong sa akin na marami sa mga opisyal at iba pang mga pulitiko ang naambunan nang malaking pera kaya hindi problema ang kanilang gastusin.
May nagsabi pa sa akin na may mga matataas na opisyal na sangkot sa graft and corruption pati ang mga yumaman sa illegal drugs at illegal gambling ang punumpuno ang bulsa ngayon.
Kahit na yata anong gawing kampanya ng ating mga maykapangyarihan, tuluy-tuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga Hudas. Hindi natitigil ang kanilang operations sa illegal drugs at pasugalan. May nagbalita pa sa akin na wala na raw takot ang mga drug lords at gambling lords sa buong bansa.
Ngayon ay Mahal na Araw na. Mangilin naman sana ang mga Hudas na ito. Magsisi na at itigil na ang mga ilegal na gawain. Malaking kasalanan ang inyong ginagawa
Ang panawagang ito ay hindi lamang sa mga drug lords at gambling lords kundi pati sa mga mga opisyal at mga kawani ng gobyerno na grabe na ang katiwaliang ginagawa. Baka sa impiyerno kayo dumiretso at masunog.
Masuwerte naman ang mga opisyal at kawani ng pamahalaan na gumagawa ng mabuti. Mabuhay kayo.
Sa mga corrupt, gawing makabuluhan sana ang Mahal na Araw na ito. Magandang pagkakataon ito upang pagsisihan ang inyong mga kasalanan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest