Maraming umaasa na tatablan ng hiya ang mga corrupt ngayong Semana Santa
April 11, 2006 | 12:00am
NAPAKARAMI nang sumagot sa tanong ko noong nakaraang column kung sino ang disente at kahanga-hanga o ubod ng kapal at walanghiya? Si dating Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra ba na nagbitiw sa tungkulin kahit na malinaw na nanalo sa kanilang snap election o si Madam Senyora Donya Gloria na hindi raw option ang magbitiw o magpatawag ng snap election kahit na inaayawan na ng mayorya ng Pinoy at malinaw na nandaya noong nakaraang eleksyon?
Bukod sa iilan na lagi namang nagte-text sa atin at nananakot at nagmumura, ang karamihan ay sinasabing disente at kagalang galang ang ginawa ni Thaksin.
Sa mga patuloy ang pananakot at paghahamon sa inyong lingkod, uulitin ko muli, kahit anong gawin nyong pananakot ay hindi epektibo yan dahil pinakabulok na paraan iyan ng pagtatakip ng katotohanan.
Sa mga naghahamon naman, mapayapang paraan ang aking ginagawa dahil hindi ako naniniwalang dahas ang paraan. Pero kung patuloy ang walang habas na pang-aapi, pang-aabuso at pagpapahirap ninyo sa sambayanan, baka dumating sa sukdulan ang lahat, kasama ng mga junior officers at matikman ninyo ang hinasik na kalupitan.
Sana lang hindi dumating ang panahon na yan dahil hindi magandang magkaroon ng madugong yugto ang ating kasaysayan lalo na at kilala tayo bilang isang lahing tahimik at mapayapa.
Sana pagbayaran na lang nila sa pamamagitan ng bad karma ang kawalanghiyaan nila, gaya ng sakit na hindi gumagaling at magastos na karamdamang uubos sa salaping kanilang ninakaw.
Maraming-marami ang text na natanggap ko pero hindi lang mailalathala dahil nananalamin ito ng matinding poot ng masang Pilipino na gumgamit na ng mga salitang p......., h........ at iba pang mga hindi maaaring ilathalang salita.
Binabasa ko ho lahat pero talagang hindi maaaring ilathala at alam kong naiintindihan nyo. Bawal ho ito sa responsableng pamamahayag bagamat alam ko ho ang galit na nararamdaman nyo.
Ganun din ho ang niloloob ng inyong lingkod bagamat pilit akong nagpipigil dahil hindi tayo dapat bumaba sa level nila. Alalahanin lang ho natin na sa bandang huli ay makakarma sila dahil sa kanilang kasamaan. Laging mananaig ang kabutihan sa kasamaan.
Ang ilan naman ay nag e-mail at patuloy na nagpapaalala kay Madam Senyora Donya Gloria at sa kanyang mga kapamilya, kapuso, kamag-anak, kakampi, kaalyado, kampon, kapartido, kasabwat, kasamahan, bataan, sumisipsip at kaugali na hindi madadala sa hukay ang salapi.
Nagpapaalala rin ang iba nating mga kababayan na patuloy pa ring umaasa na tatablan ng hiya ang mga corrupt na manalangin at mangiling sila ngayong Semana Santa at baka naman daw magising sa katotohanan at talikuran ng tuluyan ang mga masasamang gawin.
Ang ilan naman na nagpupuyos na sa galit ay nagsasabing sana raw kunin na ni Lord ang mga patuloy nagpapahirap sa bayan. Sa mga kababayan nating nagsasabi niyan, hindi siguro sila kukunin ni Lord kasi bawal sila sa langit, baka ibang lord, yung lord taning nila na bibigyan sila ng espesyal na silid kung saan may kakaibang parusa at kabayaran sa mga kalupitan at kasamaan nila.
Sa mga kampon ng kasamaan, sanay gamitin nyo ang panahon na ito upang taimtim na manalangin. Mag-isip isip sana kayo at alalahanin nyong kung ano ang inyong tinanim, yan ay inyong aanihin.
Hindi pa ho huli ang lahat at sana hindi mga anak at apo nyo ang singilin sa mga kasamaang nagawa nyo. Para sa mga mabubuksan ang kaisipan, umpisahan nyo ang pagbabago sa sarili nyo. Sana hindi lang kayo tumigil sa pagnanakaw, pandaraya at panloloko, tulungan nyo rin ang kinabukasan ng anak nyo, apo nyo at kinabukasan ng bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubulgar at pagsisiwalat ng kasamaan upang mapatalsik at matigil ang patuloy na pagpapahirap sa bayan.
Sa mga gumigitna o walang pakialam at namamangka sa dalawang ilog, alalahanin nyo sana na ang pagsasawalang kibo ay pakikipag-sabwatan. Huwag nating kunsintihin ang kasamaan dahil darating ang araw na hindi na tayo maaaring umiwas at deretso na tayong tatamaan. Laging nasa huli ang pagsisisi.
Sa karamihan naman, gamitin natin ang panahon na ito upang manalangin ng taimtim upang magabayan tayo sa ating gawain at nais pang gawin. Tandaan natin, may dahilan si LORD sa lahat ng nangyayari at hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Magtiwala tayo sa KANYA lagi.
Sabi ni Presidential Spokesperson Ignacio "Toting" Bunye na hindi raw sagot sa kahirapan ang panawagan ng oposisyon na magkaroon ng snap elections. Bakit Sec. Bunye ang pagpapalit ba ng sistema ng gobyerno ay mag-aalis sa corruption na siyang dahilan ng paghihirap ng sambayanan? Giginhawa ba ang buhay ng tao pag pinalitan ang sistema ng gobyerno?
Sabi naman ni (in)Justice Secretary Raul Gonzalez kakaiba raw si Madam Senyora Donya Gloria kay dating Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra at mas matigas daw ang paninindigan ng amo niya. Talaga? Matigas ang ano? Baka naman matigas na makapal pa?
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, text lang o e-mail sa [email protected] o [email protected] o mag-text sa 09272654341.
Bukod sa iilan na lagi namang nagte-text sa atin at nananakot at nagmumura, ang karamihan ay sinasabing disente at kagalang galang ang ginawa ni Thaksin.
Sa mga patuloy ang pananakot at paghahamon sa inyong lingkod, uulitin ko muli, kahit anong gawin nyong pananakot ay hindi epektibo yan dahil pinakabulok na paraan iyan ng pagtatakip ng katotohanan.
Sa mga naghahamon naman, mapayapang paraan ang aking ginagawa dahil hindi ako naniniwalang dahas ang paraan. Pero kung patuloy ang walang habas na pang-aapi, pang-aabuso at pagpapahirap ninyo sa sambayanan, baka dumating sa sukdulan ang lahat, kasama ng mga junior officers at matikman ninyo ang hinasik na kalupitan.
Sana lang hindi dumating ang panahon na yan dahil hindi magandang magkaroon ng madugong yugto ang ating kasaysayan lalo na at kilala tayo bilang isang lahing tahimik at mapayapa.
Sana pagbayaran na lang nila sa pamamagitan ng bad karma ang kawalanghiyaan nila, gaya ng sakit na hindi gumagaling at magastos na karamdamang uubos sa salaping kanilang ninakaw.
Maraming-marami ang text na natanggap ko pero hindi lang mailalathala dahil nananalamin ito ng matinding poot ng masang Pilipino na gumgamit na ng mga salitang p......., h........ at iba pang mga hindi maaaring ilathalang salita.
Binabasa ko ho lahat pero talagang hindi maaaring ilathala at alam kong naiintindihan nyo. Bawal ho ito sa responsableng pamamahayag bagamat alam ko ho ang galit na nararamdaman nyo.
Ganun din ho ang niloloob ng inyong lingkod bagamat pilit akong nagpipigil dahil hindi tayo dapat bumaba sa level nila. Alalahanin lang ho natin na sa bandang huli ay makakarma sila dahil sa kanilang kasamaan. Laging mananaig ang kabutihan sa kasamaan.
Ang ilan naman ay nag e-mail at patuloy na nagpapaalala kay Madam Senyora Donya Gloria at sa kanyang mga kapamilya, kapuso, kamag-anak, kakampi, kaalyado, kampon, kapartido, kasabwat, kasamahan, bataan, sumisipsip at kaugali na hindi madadala sa hukay ang salapi.
Nagpapaalala rin ang iba nating mga kababayan na patuloy pa ring umaasa na tatablan ng hiya ang mga corrupt na manalangin at mangiling sila ngayong Semana Santa at baka naman daw magising sa katotohanan at talikuran ng tuluyan ang mga masasamang gawin.
Ang ilan naman na nagpupuyos na sa galit ay nagsasabing sana raw kunin na ni Lord ang mga patuloy nagpapahirap sa bayan. Sa mga kababayan nating nagsasabi niyan, hindi siguro sila kukunin ni Lord kasi bawal sila sa langit, baka ibang lord, yung lord taning nila na bibigyan sila ng espesyal na silid kung saan may kakaibang parusa at kabayaran sa mga kalupitan at kasamaan nila.
Sa mga kampon ng kasamaan, sanay gamitin nyo ang panahon na ito upang taimtim na manalangin. Mag-isip isip sana kayo at alalahanin nyong kung ano ang inyong tinanim, yan ay inyong aanihin.
Hindi pa ho huli ang lahat at sana hindi mga anak at apo nyo ang singilin sa mga kasamaang nagawa nyo. Para sa mga mabubuksan ang kaisipan, umpisahan nyo ang pagbabago sa sarili nyo. Sana hindi lang kayo tumigil sa pagnanakaw, pandaraya at panloloko, tulungan nyo rin ang kinabukasan ng anak nyo, apo nyo at kinabukasan ng bansang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbubulgar at pagsisiwalat ng kasamaan upang mapatalsik at matigil ang patuloy na pagpapahirap sa bayan.
Sa mga gumigitna o walang pakialam at namamangka sa dalawang ilog, alalahanin nyo sana na ang pagsasawalang kibo ay pakikipag-sabwatan. Huwag nating kunsintihin ang kasamaan dahil darating ang araw na hindi na tayo maaaring umiwas at deretso na tayong tatamaan. Laging nasa huli ang pagsisisi.
Sa karamihan naman, gamitin natin ang panahon na ito upang manalangin ng taimtim upang magabayan tayo sa ating gawain at nais pang gawin. Tandaan natin, may dahilan si LORD sa lahat ng nangyayari at hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Magtiwala tayo sa KANYA lagi.
Sabi naman ni (in)Justice Secretary Raul Gonzalez kakaiba raw si Madam Senyora Donya Gloria kay dating Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra at mas matigas daw ang paninindigan ng amo niya. Talaga? Matigas ang ano? Baka naman matigas na makapal pa?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am