^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga manyakis at balahurang ka-textmate!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MILYONES ang mga text messages na nagpapalitan sa ating bansa sa loob lamang ng isang araw. Kaya nga tinagurian ang Pilipinas na texting capital of the world.

Ito’y marahil sa likas na sa mga Pilipino ang pagiging maalalahanin at malapit na personalidad sa pakikipag-kapwa-tao.

Kaya nga nauso ang mga love quotes, inspirational, funny at chain messages. At ang pinaka-hit sa mga Pinoy, ang textmate.

Magbibigay lamang ng babala ang kolum na’to sa mga mahihilig makipag-textmate. Gumagala na ngayon ang isang nagpapakilalang Lester Untalan na isa pa lang huthutero at sex addict.

Isa si Mary Anne sa kanyang mga nabiktima. Ayon kay Mary Anne, bigla na lamang nagtext ang kolokoy na si Lester at gusto siyang gawing ka textmate.

Ang siste dahil sa maya’t maya, oras-oras at araw-araw na nagpapadala ng mga love at inspirational messages si Lester, madali raw nahulog ang kanyang loob sa lalaki.

Maraming beses na nag-eye ball ang dalawa at madalas daw ay inaaya siya nitong si lalaki sa isang lugar para mag-date. Hanggang sa dumating ang araw na hiramin na ni Lester ang Nokia 6600 ni Mary Anne.

Dahil sa tiwala at sa nararamdaman, pumayag daw si Mary Anne. Iniwan naman ni Lester ang kanyang cell phone na Nokia 7650 kay Mary Anne.

At eto na ang problema, matapos ang araw ng kanilang pagkikita, nawala nang parang bula ang tarantadong si Lester. Winan-tu-tri na ang biktimang si Mary Anne.

Sa 7650 na iniwan ng loko-loko sa biktima, dito nalaman ni Mary Anne na hindi lamang pala siya ang sinusuyo ng suspek. Nakita mula sa cell phone ang mga larawan ng iba pang kababaihang nahulog sa BITAG ni Lester.

Pawang malalas-wang larawan tulad ng mga babaeng kanyang naikama, ang hubad na katawan ng mga ito at mismong ari ng bulugang si Lester.

Babala sa mga senyales ng kasong ito. Estilo ng modus ni Lester na kuhanin ang loob ng kanyang ka-textmate.

At pagkatapos dito niya yayayaing makipagkita upang maikama at saka niya gagawin ang panghuhuthot o panloloko.

Ipinapaalam na rin ng Bahala si Tulfo at BITAG na kasalukuyang ipinapakalat na ng aming grupo ang aming ALL POINT BULLETIN para sa nagpakilalang si Les-ter Untalan.

Sisikip ngayon ang mundo mo loko-loko kang manyakis ka at sisiguraduhin ng BITAG at Bahala Si Tulfo na hinding-hindi ka na makapambibiktima pa.

Sino mang may impormasyon sa katauhan ng hinayupak na ‘to, makipag-ugnayan sa BITAG at nakahanda na ang espesyal na patibong na inihanda namin sa balahurang lalaking ito.

Abangan!

ABANGAN

ANNE

BAHALA SI TULFO

KAYA

LESTER

LESTER UNTALAN

MARY

MARY ANNE

NOKIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with