EDITORYAL Pawnshops na tatanggap ng nakaw na cell phones hagupitin
April 10, 2006 | 12:00am
MASYADONG maluwag ang mga pawnshops sa pagtanggap ng mga isinasanglang cell phones. At ito marahil ang dahilan kaya hindi matigil ang holdapan na ang target ay cell phones. May pagkakataon pang hindi na nga kinukuha ng mga holdaper ang ibang mahalagang gamit ng mga biktima basta cell phone na lamang ang tatangayin lalo pat magandang modelo. Madali nga namang maisangla. Wala nang kuskos balungos pa sa sanglaan. Saglit lang at pera na ang cell phone na hinoldap.
Ang pagiging maluwag ng mga sanglaan ang dapat tutukan ng Central Bank o ng departamento ng gobyernong sumasakop sa mga pawnshops. Bigyan ng ultimatum ang mga pawnshops na basta na lamang tatanggap ng sanglang cell phone na walang sapat na katibayan ng pag-aari. Ang ganitong practice ay dapat nang mahinto. Isang paraan para matigil na rin ang talamak na holdapan na ang target ay mga cell phones. Kung maghihigpit ang mga pawnshops, maaaring mabawasan ang insidente ng holdapan na madalas ay mayroon pang pinapatay.
Ganyan ang nangyari sa isang empleada ng Call center na matapos kunin ang cell phone ay walang awang binaril. Hinoldap ang FX na sinasakyan ni Charlene Santos, 27, habang tumatakbo sa Ortigas Ave. Papasok si Charlene sa trabaho dakong 6:00 ng gabi noong nakaraang Linggo.
Isang suspect na ang nahuli ng mga pulis at ayon sa mga witness, ito ang isa sa tatlong holdaper na bumaril kay Charlene. Nairita umano ang suspect nang hindi ibigay ni Charlene ang cell phone kaya binaril.
Nang mahuli ang suspect sa kanilang bahay, wala na ang cell phone ni Charlene at maaaring naisangla na. Ang cell phone ay nagkakahalaga ng P25,000.
Hagupitin ang mga pawnshops na maluwag sa pagtanggap ng mga isasanglang cell phones. Hindi lamang ang mga pawnshops ang hagupitin kundi pati na rin mga tindahang bumibili ng mga nakaw na cell phones.
Ayon sa report, pinakamataas ang bilang ng mga isinasanglang cell phones sa mga pawnshops at ilang maliliit na tindahan. Karaniwan na rin ngayong ibinebenta sa mga tindahan sa Recto at Rizal Avenue sa Maynila at ganoon din sa Caloocan.
Ang mga pawnshops ang sumasagip sa biglaang kagipitan ng mga nauubusan ng pera pero sila rin naman ang ginagawang takbuhan ng mga "halang ang kaluluwa" matapos holdapin ang mga kawawa at walang kalaban-labang pasahero ng FX at dyipni.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended