Bigla yatang ginanahan ang Senado na hingin uli ang pag-bitiw ni Mrs. Arroyo, nang nag-resign si Prime Minister Thaksin ng Thailand. Maaari nga kayang ma-compare ang ating situation dito sa situation ngayon sa Thailand? Unang-una, may hari ang Thailand, at ang sovereignty ay nasa kanyang pagkatao. Dito sa Pilipinas, wala tayong hari, dahil ang sovereignty ay nasa mga tao. Sa madaling salita, ang hari dito sa atin ay ang mga tao.
Bago pa man nagsalita ang Senado, lumabas na ang survey na halos kalahati ng taumbayan ay pabor na sa people power bilang isang paraan sa change of government, sa halip na mag-resign siya. Siyempre naman, hindi naman bagay sa Senado na manawagan sila ng people power, dahil nga sila nga ay bahagi din ng government.
Sa kabilang panig naman, panay ang tulak ng gobyerno sa Cha-Cha, sa pamamagitan ng "Peoples Initiative". Hindi kaya na ang Cha-Cha ay isang diversionary tactic lamang ng Palasyo, upang huwag nang mapag-usapan ang people power at resignation? Masaya ako nang narinig ko na may pera pala ang gobyerno para sa mga veterans at retired military. Napansin ko lang na biglang lumitaw ang perang ito nang lumabas na parang inu-una pa ng gobyero ang gastos sa Cha-Cha, kahit walang pondo ang veterans at retirees.