^

PSN Opinyon

People power, People’s Initiative

AMBA’S BRIEFS - Roy Señeres -
ANG ating Senado ay ginaya lang natin sa mga Amerikano, ngunit ang mga Romano talaga ang nag-imbento nito, sa panahon ni Julius Caesar na isang Emperador. Natitiyak kong na ang Parliamento sa England ay ginaya din ng mga Briton sa mga Romano, ngunit siyempre, ayaw namang gayahin ng mga Amerikano ang mga Briton, dahil nga kalaban nila dati ang kanilang former colonizer. Parang wala namang bago sa panawagan ng mga Senador na mag-bitiw na si Mrs. Gloria Macapagal Arroyo, dahil dati na nating narinig ang panawagang ito. Wala ngang bago, ngunit sa nangyaring ito, ay para na ring sinaksak ng Roman Senate sa likod si Julius Caesar. Hindi nga ito nangyari noon, ngunit parang ito ang nangyari ngayon.

Bigla yatang ginanahan ang Senado na hingin uli ang pag-bitiw ni Mrs. Arroyo, nang nag-resign si Prime Minister Thaksin ng Thailand. Maaari nga kayang ma-compare ang ating situation dito sa situation ngayon sa Thailand? Unang-una, may hari ang Thailand, at ang sovereignty ay nasa kanyang pagkatao. Dito sa Pilipinas, wala tayong hari, dahil ang sovereignty ay nasa mga tao. Sa madaling salita, ang hari dito sa atin ay ang mga tao.

Bago pa man nagsalita ang Senado, lumabas na ang survey na halos kalahati ng taumbayan ay pabor na sa people power bilang isang paraan sa change of government, sa halip na mag-resign siya. Siyempre naman, hindi naman bagay sa Senado na manawagan sila ng people power, dahil nga sila nga ay bahagi din ng government.

Sa kabilang panig naman, panay ang tulak ng gobyerno sa Cha-Cha, sa pamamagitan ng "People’s Initiative". Hindi kaya na ang Cha-Cha ay isang diversionary tactic lamang ng Palasyo, upang huwag nang mapag-usapan ang people power at resignation? Masaya ako nang narinig ko na may pera pala ang gobyerno para sa mga veterans at retired military. Napansin ko lang na biglang lumitaw ang perang ito nang lumabas na parang inu-una pa ng gobyero ang gastos sa Cha-Cha, kahit walang pondo ang veterans at retirees.
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email [email protected], text 09187903513, visit my website http://www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

AMERIKANO

JULIUS CAESAR

MRS. ARROYO

MRS. GLORIA MACAPAGAL ARROYO

OUR FATHER

PRIME MINISTER THAKSIN

ROMAN SENATE

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with