Ano ang dahilan at nagkaka-cancer?
April 9, 2006 | 12:00am
Bukod sa cancer sa suso, dumarami rin ang insidente ng pagkamatay dahil sa cancer sa baga, prostate, colon at rectum.
Nahahati sa apat ang mga dahilan nang pagkaka- roon ng cancer, ito ay ang genetic, chemical, physical at viral. Ang pagkakaroon ng cancer sa pamamagitan ng chemical factor ang aking bibigyan ng paliwanag sa ngayon. Ang ibang factor ay sa mga susunod na isyung may kinalaman pa rin sa cancer.
Bukod sa paninigarilyo, kung saan ang tar ng siga-rilyo ang carcinogen (pinanggagalingan ng cancer) at dahilan ng cancer sa baga, oral cavity, larynx at urinary bladder ang iba pang factor ay kinabibilangan ng:
Exposure sa asbestos. Nanganganib sa ganito ang mga nagtatrabaho sa mga daungan o pier, mga plumbers, builders, engineers. Nasa panganib sila na magkaroon ng cancer sa baga at mesotheliomas ng pleura at peritonium.
Mga trabahador sa rubber at aniline dye industry. Naka-exposed sila sa carcinogenic dyes kung saan ito sumasama sa ihi at nagiging dahilan ng cancer sa kidney, uterers at urinary bladder.
Ang mga nagtatrabaho sa mga furniture na madalas makalanghap ng alikabok na galing sa pinaglagarian. Mataas ang insidente sa nasal cancer.
Ang mga nagtatrabaho bilang brick layers, insulators, firefighters at heating unit service workers ay naka-exposed sa malaking amount ng soot na maaaring magdulot ng cancer sa balat.
Ang mga metal machining workers na naka-exposed sa mineral oil na maaaring magdulot ng skin cancer.
Ang mga workers na naka-exposed sa mataas na amount ng arsenic, chromates at nickel ay mataas ang panganib na magkaroon ng cancer sa baga.
(Itutuloy)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest