Ginigisa ni Val Adriano sa sariling mantika ang mga maliliit na gambling lords sa Maynila
April 9, 2006 | 12:00am
MAUTAK pala talaga ang gambling lord na si Val Adriano. Ayon sa mga kausap ko sa Manila Police District (MPD), nagulangan lang ni Adriano ang kapwa niya gambling lord matapos mapasok nito ang kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza. Kung nabulgar ko noon na halos 200 butas ng racehorse bookies na ni Adriano sa Maynila, eh halos 30 puwesto lang ang sa kanya dito. Ang siste, marami palang naka-umbrella kay Adriano kayat nalibre sa lingguhang intelihensiya ang kanyang mga puwesto. Ang ibig kong sabihin, ito palang mga naka-umbrella kay Adriano ay sinisingil niya ng tig-P1,000 kada puwesto para pang-intelihensiya at presto
nailibre niya ang kanyang mga hawak na butas.
Maliwanag na ginigisa sa sariling mantika ni Adriano ang mga maliliit na gambling lords ng Maynila, di ba mga suki? Kung ganito kautak si Adriano, aba hindi tayo magtataka kung ang mga kalaban niya sa negosyo sa Maynila, eh kinakabahan na. Kasi, sila may kapital na inilabas eh si Adriano wala, he-he-he! Hanggang kailan maging epektibo itong modus-operandi ni Adriano sa Maynila?
Marami talaga sa mga kausap ko sa MPD ang nagulat na ganito na pala kalaki si Adriano sa kanyang negosyo. Anila, nagsimula lang ito sa ilang pirasong butas sa boundary ng Manila at Makati City, pero nitong nagdaang mga araw eh nag-expand na pala siya ng kanyang operation. Talagang mautak si Adriano kasi ang kanyang mga puwesto ay nandiyan lang sa sakop ng Stations 5, 6 at 9. Ayaw niyang maglalayo dahil hindi na niya mapangasiwaan o mabantayan ito ng maayos. Kaya ang mga puwesto ni Adriano sa Tondo, Sta. Cruz at Sampaloc ay sa mga naka-umbrella na lang sa kanya. Ang mga gambling lord na naka-umbrella kay Adriano ay sina Lito de Guzman, Ana Enriquez, Alvin, Weng Alcantara at Arnold Sandoval, ang kolektor ng RSAU ni NCRPO chief Dir. Vidal Querol, he-he-he! Matibay talaga itong si Sandoval, no mga suki?
Bakit ko nasabing matibay ang kapit ni Sandoval? Ito kasing si Sandoval, anang taga-MPD, ang taga-ayos ni Adriano ng lingguhang intelihen-siya niya sa CIDG, NCRPO, GAB at DILG. Kaya tiyak, nakamenos na rin si Adriano. Si Sandoval din at ang partner niyang si Noel de Castro ang naga-raid ni Adriano ng mga kalaban niya sa negosyo tulad nina Tom Sacueza o Boy Razon sa Manila at Danny Estanislao sa Caloocan City. Bilang premyo kay Sandoval, tatlong butas ang sinasalo ni Adriano sa kanya. Ang puwesto ng racehorse bookies ni Sandoval ay matatagpuan sa kanto ng Limay at Bagac Sts. sa Tondo at sa kanto ng Sulu at Blumentritt Sts. sa Sta. Cruz. Si De Castro? Talagang buddy-buddy lang siya ni Sandoval sa koleksiyon nya.
Kung namamayagpag si Adriano sa Maynila sa ngayon, tiyak susunod sa kanyang yapak ang sakla operator ng Malabon na si alyas Pinggoy. Malaya nang makapagbukas ng negosyo si Pinggoy sa Maynila dahil sumuko na si PO2 Bayani Neri, ang kolektor ni CIDG director Chief Supt. Jesus Versoza. Gusto ni Neri, ka Rudy at Allan M. na sila ang maglalagay ng bangka ng sakla sa Maynila pero nitong nagdaang mga araw ay nagbago ang isip nila. Tingnan ko kung hanggang saan ang tibay nitong si Pinggoy.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 5, 2024 - 12:00am