Ang bilyong pisong lulustayin sa Charter change ay gamitin na sa pangangailangan ng mamamayan. Lubog na sa kahirapan ang mamamayan. Marami ang nagpapaalipin sa ibang bansa upang huwag magutom ang kanilang mahal sa buhay.
Subalit ayaw magpaawat ang mga pulitiko para mabago ang Saligang Batas. Lumiliwanag ang kani-kanilang pakay kung bakit nagmamadali sila sa pagbabago ng Saligang-Batas. Unang-una nang pakay ay upang mapanatili si GMA sa kanyang posisyon matapos ang kanyang termino. Pangarap ni Speaker Joe de Venecia na maging prime minister kapag nabago na ang Saligang Batas. Gustong makabalik sa poder si FVR. Ang mga opisyal na nakaposisyon ngayon ay nangangarap na tumagal pa ng ilang taon sa tungkulin na katulad ng mga senador, congressmen, governor at mayor. Ang iba ay sumusuporta sa pagpapalit ng Saligang Batas dahil nagkakapera sila sa pamamagitan nito.
Maisasakatuparan daw sa loob ng tatlong buwan ang pagpapalit ng Saligang Batas kaya binubuhusan nila ng limpak na salapi at suporta.