^

PSN Opinyon

The singing birds sa shabu tiangge

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PINASASALAMATAN ng Chief Kuwago sina Richard Macabitas, electrician at Boy Castro mga workers sa Isuzu-Inteco Quezon Boulevard, QC dahil sa makatao nilang pagtrato sa akin noong nagka-problem ako.

Matiyaga si Richard sa pagtuturo sa Chief Kuwago at dehins ito nag-ask ng kahit singko centimos. Magalang na mabait pa. Mabuhay kayo!

Ang isyu, very deep ang investigation ng mga bataan ni AIDSOTF bossing Jun Ele Jr., sa Pasig shabu flea market kaya naman up to now ay dehins nila tinatantanan ang nangyari todits. Hukay dito, hukay doon ang ginagawa ng mga kabig ni Jun para dahil sa information may mga ibinaon na pusher 6 feet below the ground sa nasabing place.

Sana makuha nila ang mga bangkay kung mayroon man sayang rin ang komisyon sa funeral parlor este mali promotion pala. He-he-he! Joking lang General Ele, Sir!

Kaya naman alaws tigil ang mga lespu ni Jun sa mga iba’t ibang impormasyon ng kanilang mga assets para malaman ng madlang people ang lalim ng operasyon ng shabu flea market sa Pasig City na very near lang sa Municipal Hall. Tama ba, Pasig City Mayor Enteng Eusebio, Your Honor!

Kahapon may mga singing birds nabalitaan ang mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pulis na patong pala sa shabu tiangge na kumikita ng atik para pangalagaan ang nasabing lugar.

Sabi ng singer, anim ang public officials na patong todits may taga-police force, dalawang gago este mali barangay pala at isang bold dancer este mali bumbero pala.

Dehins muna isinama sa lyrics ng singer ang mga names ng patong kaya dehins pa natin maintindihan ang tono ng kanta. Pero sa dating ng song mukhang totoo ang ilalabas nito sa microphone kapag nagkataon.

Sa lyrics ng song ang mga protector sa shabu tiangge ay may kanya-kanyang papel sa buhay para magka-pitsa sa druglord. May dalawang gago este mali lespu pala ang taga-tsutsu sa mga drug dealers oras na may raid kaya naman kamot kokote lang ang nangyayari sa raiding team dahil negative ang operasyon. Ika nga, taga-tip for a fee!

Ang iba naman rakpa ay tagakuha naman ng intelihensiya sa mga drug dealers na ibinibigay naman sa kanilang gagong bossing.

Kambiyo issue, apat na lespu ang sinipa ni DILG Ronnie Puno for tree planting este mali sa pagtatanim pala ng evidence.

Buti nga para dehins na kayo tularan pa!

Ang apat ayon kay Ronnie ay nakilalang sina SPO2 Arthur Velasco, PO1 Vinboy Pacamara, PO1 Efren Patchicoy at PO1 Antonio Zinampao, ang mga ito ay taga-Pateros Force Drug Enforcement Unit.

‘‘Matindi pala ang trabaho ng ilang rakpadudels na ogag,’’ sabi ng kuwagong hoodlum sa Bangkusay.

‘‘Dapat silang turuan ng leksyon sa kanilang kagaguhan,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Dapat,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Anong sintensiya ang dapat ipataw sa kanila?’’

‘‘Iyan ang ipasagot mo sa bossing nila, kamote.’’

ANTONIO ZINAMPAO

ARTHUR VELASCO

BOY CASTRO

CHIEF KUWAGO

DAPAT

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EFREN PATCHICOY

GENERAL ELE

ISUZU-INTECO QUEZON BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with