Ayaw ng oposisyon sa peoples initiative." Maniobra" daw ng administrasyon to keep PGMA in power. Pero its sad to note that zero credibility ang oposisyon. Watak-watak kasi at maraming paksyong may sari-sariling interes. Duda ang taumbayan sa tunay na intensyon ng oposisyon. Matagal na sanang nagtagumpay ang oposisyon sa layuning sipain sa puwesto ang Pangulo kung may tiwala at suporta rito ang mamamayan.
Sa ngayoy nakalikom na ng diumanoy halos 10-milyong lagda ang mga promotor ng peoples initiative para sa cha-cha. Kompiyansa ang Sigaw ng Bayan coalition na daragsa pa ang milyun-milyong lagda para maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Kumikilos na ang COMELEC para sa berepikasyon ng mga lagda. Pero ididemanda raw ng oposisyon ang COMELEC kapag itinuloy ito porke "ilegal" ang isinasagawang signature campaign dahil sa kawalan ng implementing rules kaugnay nito.
Lalong lumagapak ang kredibilidad ng oposisyon sa balitang "alyansa" nito sa mga komunista. Sa giyera politikal nangyayari ang tinatawag na tactical alliance para magtagumpay ang isang layunin. In this case, ang layunin ay ang pagpapatalsik kay Presidente Arroyo.
Granting na okay ang layuning patalsikin ang Pangulo na inaakusa-hang nandaya nung presidential elections, iba-iba naman ang motibo ng mga ibig magpatalsik sa kanya at itoy hindi para sa kapakanan ng bayan kundi para sa makasariling interes. Kung maganda ang layunin nila as they probably claim, anong alternatibo ang maihaharap nila para sa kapakanan ng bayan? Wala akong nakikita. Dapat, magpakita muna ng katapatan. pagkakaisa at mabuting layon ang oposisyon para paniwalaan ng taumbayan.