^

PSN Opinyon

April fools at Cha-cha

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Peroche -
KATAWA-TAWA ang nangyayaring bangayan sa Charter change (Cha-cha). Parang April fools’ joke. Habang umaariba ang signature campaign para mapasimulan ang people’s initiative sa pag-amyenda ng Konstitusyon, heto naman ang oposisyon sa kanilang bersyon ng signature campaign. Lilikom daw ng mas maraming pirma kontra sa cha-cha. People’s initiative kontra people’s initiative. Pinagsasabong na ang mga taumbayan niyan. Giyera sibil ang labas kapag nagkataon. Ah, iyan ang hindi na nakakatawa. Huwag naman sana.

Ayaw ng oposisyon sa people’s initiative." Maniobra" daw ng administrasyon to keep PGMA in power. Pero it’s sad to note that zero credibility ang oposisyon. Watak-watak kasi at maraming paksyong may sari-sariling interes. Duda ang taumbayan sa tunay na intensyon ng oposisyon. Matagal na sanang nagtagumpay ang oposisyon sa layuning sipain sa puwesto ang Pangulo kung may tiwala at suporta rito ang mamamayan.

Sa ngayo’y nakalikom na ng diumano’y halos 10-milyong lagda ang mga promotor ng people’s initiative para sa cha-cha. Kompiyansa ang Sigaw ng Bayan coalition na daragsa pa ang milyun-milyong lagda para maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon. Kumikilos na ang COMELEC para sa berepikasyon ng mga lagda. Pero ididemanda raw ng oposisyon ang COMELEC kapag itinuloy ito porke "ilegal" ang isinasagawang signature campaign dahil sa kawalan ng implementing rules kaugnay nito.

Lalong lumagapak ang kredibilidad ng oposisyon sa balitang "alyansa" nito sa mga komunista. Sa giyera politikal nangyayari ang tinatawag na tactical alliance para magtagumpay ang isang layunin. In this case, ang layunin ay ang pagpapatalsik kay Presidente Arroyo.

Granting
na okay ang layuning patalsikin ang Pangulo na inaakusa-hang nandaya nung presidential elections, iba-iba naman ang motibo ng mga ibig magpatalsik sa kanya at ito’y hindi para sa kapakanan ng bayan kundi para sa makasariling interes. Kung maganda ang layunin nila as they probably claim, ano’ng alternatibo ang maihaharap nila para sa kapakanan ng bayan? Wala akong nakikita. Dapat, magpakita muna ng katapatan. pagkakaisa at mabuting layon ang oposisyon para paniwalaan ng taumbayan.

AYAW

BAYAN

CHA

DAPAT

KONSTITUSYON

OPOSISYON

PANGULO

PARA

PERO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with