^

PSN Opinyon

Kanino talaga tayo kabilang?

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA mga usapin sa ating bansa, ganoon na rin sa buong mundo, ang mga tao’y nahahati-hati batay sa kanilang pinananaligan, kinabibilangang ideolohiya at kinaaanibang samahan. Datapwat nalilimutan nating isipin na ang lahat ng mga usapin sa mundo ay may pangunahing pinagbabatayan: ang Katotohanan.

Sa Ebanghelyo para sa araw na ito, pinaaalalahanan tayo ni Jesus (Juan 8:31-42).

Sinabi ni Jesus sa mga Judiong naniniwala sa kanya, "Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo’y mga alagad ko; makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo." "Paano mo masasabing palalayain kami?" Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: Alipin ng kasalanan ang lahat ng nagkakasala. Ang alipin ay hindi kabilang sa sambahayan sa habang panahon, subalit ang anak ay kabilang magpakailanman. Kapag kayo’y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya. Nalalaman kong lahi kayo ni Abraham; gayunma’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, sapagkat walang pitak sa inyong puso ang aral ko. Sinasabi ko ang aking nakita sa aking Ama; ginagawa naman ninyo ang inyong narinig sa inyong ama."


"Kung kayo’y mga anak ni Abraham, tutularan ninyo ang kanyang ginawa. Ngunit pinagsisikapan ninyo akong patayin, gayong sinasabi ko lamang ang katotohanang narinig ko sa Diyos." "Hindi kami mga anak sa labas," sagot nila. "Ang Diyos ang aming Ama." Sinabi ni Jesus, "Kung talagang ang Diyos ang inyong Ama, iibigin ninyo ako, sapagkat nagmula ako sa Diyos. Hindi ako naparito sa ganang sarili ko lamang, kundi sinugo niya ako."

Kung ang Diyos ay ating Ama, dapat nating mahalin si Jesus. At ang mahalin si Jesus ay nangangahulugan ng pakikinig sa kanya, pagsasadiwa at pagtalima sa kanyang mga itinuturo at pagsasabuhay ng katarungan, pagpapatawad, pagsasabi ng katotohanan at pagtugon sa mga pangangailangan ng tao upang sila’y mabuhay ng may dangal. Kanino ba talaga tayo kabilang?

ANAK

ANG DIYOS

DATAPWAT

DIYOS

JESUS

NINYO

SA EBANGHELYO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with