Napakahirap marating ang naturang paaralan sa kadahilanang ubod ng kipot at mistulang lubluban ng kalabaw ang kalsada. Malalalim na lubak at may tubig pa kaya walang bumibiyaheng sasakyan. Kayat ang mga kaawa-awang mga estudyate at mga guro ay naglalakad na lamang ng humigit kumulang sa tatlong kilometro upang marating ang paaralan.
May kabuuang 365 pupils at walong guro ang matiyagang bumabagtas sa maputik at madulas na kalsada, subalit labis ang aking kailgayahang nadama dahil ang mga estudyate rito ay may angking talino at magagalang. Ito marahil ang bunga ng matiyagang pagtuturo ng mga guro.
Sa isang salu-salong inihanda nina Head Teacher Wilfreda C. Reyes at mga guro na sina Aireen D. Serrano, Nora E. Asi, Arturo L. Medina, Restituto M. Satira Jr., Imelda S. Gansubin, Angellette M. Valdez at Rowena A. Gonzales ay marami napag-usapan tungkol sa kalagayan nila at kanilang mga estudyante.
Kabilang din sa dumalo sa hapag kainan si Chairman Miguel Indaya at ilang kagawad ng Bgy. Tabason, siyempre ubod ng saya ang balitaktakan. Kapansin-pansin ang mga estudyante na may mga bitbit na buko, saging, kaimito, guyabano at mga manok na native na inihandog sa amin. He-he-he! ang sarap ng kain ng aming grupo.
Sinabi ng mga estudyante na labis ang kanilang pasasalamat sa kabutihan ng aming publication na silay handugan ng isang magarang silid aralan na kumpleto sa mga gamit at mga pangunahing libro kung kaya sa pamamagitan umano ng kanilang nakayanan ay inihandog sa amin.
Sa murang kaisipan ng mga kabataang mag-aaral ay mayroon silang hiniling sa akin na kung maaari, maiparating ko sa ka- 5nilang Mayor Vicente Salumbides, Congressman Erin Tanada at Governor Wilfredo Enverga na mabigyang pansin ang kanilang kalsada.
"Sana po maipaayos naman nila ang may tatlong kilometrong kalsada patungo sa aming paaralan mula sa Quirino Highway. Kadalasan po, pumapasok kaming puno ng putik. Nadudulas po kami sa putik. Wala na halos pumapasadang sasakyan at kung mayroon man, ubod ng mahal ang kanilang sinisingil sa pasahero."
Nagpag-alaman ko na bawat pasahero ay sinisingil ng P30. Mantakin nyo yan mga Sir. Hindi na rin nila nailuluwas ang kanilang mga produktong agrikultura kaya nabubulok na lamang ang mga ito.
Napag-alaman ko rin na karamihan pala sa mga residente roon ay pagbubukid ang trabaho at ang ilan sa kanila ay lumuluwas ng Maynila upang magbakasakali makakita ng hanapbuhay. Napipilitan silang mangibang bayan upang mabuhay lamang ang kanilang pamilya.
Sayang ang ipinangangalandakan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na palawigin ang serbisyong Farm to Market Road kung sa Bgy. Tabason ay kakikitaan ng kapabayaan ng mga lokal na opisyal. Panahon na para kumilos kayong mga iniluklok na opisyales ng Tagkawayan. Ipamalas naman ninyo ang inyong malasakit sa mga taong nangangailangan ng inyong serbisyo. Governor Enverga kilos na!