^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Nasaan ang mga pulis kung gabi?

-
KAPAG Linggo ba ay day off din ang mga pulis? Nasaan ang mga pulis na dapat ay nakabantay kung gabi para hindi makasalakay ang mga halang ang kaluluwa? Wala ang karamihan sa mga pulis kung gabi. Kung may mga pulis na nagroronda kung gabi lalo na sa area ng Pasig City, hindi mahoholdap ang FX taxi na sinasakyan ni Charlene Santos kung saan walang awa siyang binaril ng isa sa tatlong holdaper matapos kunin ang kanyang cell phone.

Papasok si Charlene sa kanyang trabaho sa InfoXX Call center sa Ortigas dakong alas-sais ng gabi noong Linggo. Sakay siya at ang ilang pasahero ng FX taxi. Nang nasa kahabaan na sila ng Ortigas Avenue, Floodway, nagdeklara ng holdap ang tatlong lalaki. Nang kukunin na ang cell phone ni Charlene ay tumanggi siya. Iyon ang naging daan para siya barilin ng holdaper na nasa kanyang likuran. Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang tatlong holdaper. Mabilis na nilamon ng dilim. Isinugod ng FX driver si Charlene sa malapit na ospital subalit dead-on-arrival na ito.

Kung may mga pulis na nagroronda sa nasabing lugar, baka nagdalawang-isip na mangholdap ang mga halang ang kaluluwa. Malakas ang kanilang loob sapagkat wala namang pulis. Ang nasabing lugar ay sinasabing madalas pangyarihan ng panghoholdap. At sa kabila na marami nang nangyayaring krimen doon, wala namang ginagawang hakbang ang Pasig police.

Noong nakaraang January, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Vidal Querol na paiigtingin ng pulisya ang pagbabantay sa mga lugar ng Call centers kung saan karamihan sa mga empleado ay mga babae. Binisita noon ni Querol ang mga Call centers at nangako na bibigyan ng seguridad ang mga empleado. Marami ang natuwa sa pangako ni Querol. Maraming babaeng empleado ng Call centers ang nabibiktima ng mga holdaper at mga manyakis sapagkat karaniwang gabi na sila kung umuwi.

Ngayong nangyari ang malagim na kamatayan ni Charlene Santos, nasaan na ang pangako ni Querol. Nasaan na ang kanyang mga pulis? Nasaan na ang sinasabi niyang "bantay sa gabi"? Nasaan na ang mga gagawing pagpapatrulya? Nasaan na ang police visibility? Wala! Wala! Wala!

vuukle comment

CHARLENE

CHARLENE SANTOS

DIRECTOR VIDAL QUEROL

KUNG

LINGGO

NANG

NASAAN

QUEROL

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with