Cha-cha in, snap el, out
April 4, 2006 | 12:00am
NOON mga nagdaang mga days ay maingay na parang walang laman sa lata ang mga nagtutulak ng snap elections. Ika nga, parang Christmas caroling ang dating. He-he-he! Bida todits si Sen. Edong Angara. Sabi nila, ang snap elections daw ang solusyon sa political crisis na umiiral sa Pinas.
Mukhang nananaginip ang mga ito dahil ang kasagutan ay hindi sa pagpapalit ng personalidad na mamumuno sa bansa kundi ang pagpapalit sa sistema ng gobyerno. Unconstitutional ang snap election dahil wala ito sa batas. Itinakda sa Constitution na hanggang 2010 ang termino ng Prez Gloria Macapagal Arroyo at VP Noli de Castro. Hindi puwedeng ihambing ang 1986 snap election sa pagitan ni ex-Pres. Ferdinand Marcos at Cory Aquino.
Noong 1986, may alternatibo si Madam Cory. Ngayon walang alternatibong papalit kay Prez GMA. Sino sa palagay ninyo?
Dehins magkasundo ang Opposition kung ano ang kanilang gusto. Hindi nila malaman kung si Prez GMA lang ang magre-resign o mag-resign pareho si Prez GMA at VP Noli de Castro o kaya naman ay magtayo ng revolutionary council, transitory government o military junta na magpapatakbo ng gobyerno. Payag ba ang lahat ng madlang people todits?
Dakdak nang dakdak ang Opposition, pero alaws namang maipresentang platform of government o economic agenda na mas maganda sa kaysa ngayon. Sa halip mag-ingay ang Opposition, mas maganda kung magpresenta sila ng legally acceptable at mapayapang alternatibo upang magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa ating political system upang maisulong ang economic growth.
Ang pinaka-logical na solusyon sa kasalukuyang gulo sa Pinas ay ang Charter change. Ito lang ang paraan para maisulong ang economic reforms para umusad ang ekonomya.
Suportado ng mga congressmen ang isinusulong ni House Speaker Joe de bola, este mali, de Venecia pala na amyendahan ang 1987 Constitution. 160 congressmen na ang lumagda. Sa pamamagitan ng Peoples Initiative, umaani na ng suporta ang Cha-cha. Tiwala si Bohol Gov. Erico Aumentado na makukuha ng Union of Local Authorities of the Philippines and 12 percent na suporta ng mga botante para isulong ang Parliamentary-Federal form of government.
Dahil sa information campaign ng Charter Change Advocacy Commission at ng ULAP, naliliwanagan na ang madlang people regarding sa kagandahan ng Cha-cha. Maraming benefits pang ekonomya kasi ang kanilang matitikman kapag nagpalit ng systema ng gobyerno. Gumaganda ang takbo ng ekonomya dahil sa mga economic reforms na isinusulong ni Prez GMA.
Sa katunayan, nananatiling tiwala sa programang pang-ekonomya ni Prez GMA ang ING Asia, ang isa sa pinakamalaking financial institution sa Asia at ang DBS, pinakamalaking banko sa Southeast Asia. Bumaba rin ang foreign borrowings ng bansa dahil lumakas ang Piso kontra dolyar, patuloy na pagbaba ng presyo ng LPG, mababang budget deficit, etc., etc.
Hindi na masasabi ngayon ng Opposition na walang ginagawa si Prez GMA para pagandahin ang ating ekonomya, dahil unti-unti nang gumaganda ang pangkabuhayan ng masa. Iminungkahi ng Commission on Constitutional Amendments na alisin ang pagbabawal sa mga dayuhan na magmay-ari ng lupa, telecommunications, mining, oil exploration, mass media, private education at advertising.
Ang pagtatanggal sa foreign restrictions ay mangangahulugan ng pagpasok ng mas maraming foreign investments at state-of-the-art technologies. Kapag marami ang investors sa bansa, mas marami ang magiging trabaho ng madlang people.
Kaya naman naniniwala ang nagsusulong ng Charter change na mas makakamit pa ng madlang people ang matagal na nilang inaasam na gumanda ang kanilang pamumuhay kung magiging Parliamentary-Federal ang sistema ng ating gobyerno.
Sa Parliamentary-Federal System, mababawasan na ang red-tape sa gobyerno, mas mapapadali ang pagpasa ng mga batas dahil alaws na ang mga magpapa-bright-bright na Senators and Congressmen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended