^

PSN Opinyon

Police Major Luis Francisco, traydor ang mga bata mo!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -
AHAS at traydor, ganito ang mga pulis-Maynila na nakatalaga sa Community Block Precinct 3 sa Blumentritt, Manila.

Nitong nakaraang linggo ay tinrabaho ng BITAG ang ilegal na terminal diyan sa may Blumentritt na pinamumunuan mismo ng mga opisyales ng barangay.

Tatlong araw naming sinurveillance ito at hulog sa BITAG ng aming concealed camera ang mga ilegal na transaksiyon sa nasabing lugar.

Dito rin lumabas ang mukha ng mga Barangay kagawad at BSDO na relax sa pagbabantay sa ilegal na terminal.

Ang siste, nang itakda na ang araw ng operasyon, SINUNOG ang aming trabaho. At ang mga bata mo, P/Maj. Luis Francisco ng Community Block Precinct 3 diyan sa Blumentritt ang salarin.

Sa mga bata mo lang major nailahad ang buong problema at sitwasyon ng aming operation ng araw na ‘yun. Kaya’t wala nang ibang pwedeng panggalingan ng TIMBREHAN kundi sa inyong tanggapan lamang.

Kung tutuusin, ayaw naming lapitan ang inyong tanggapan dahil hindi kabatak ng BITAG ang inyong grupo, pero dahil marunong kaming sumunod sa batas kaya kinakailangan namin ang police assistance.

Dahil diyan naman sa Police Precinct 3 sa Central Market, Col. Romulo Sapitula, pilit kaming inirefer ng iyong bataan sa Presinto ng Blumentritt dahil hindi n’yo raw sakop ang aming target.

At dahil tiwala naman ang BITAG sa Police Station 3 at minsan na naming napagkatiwalaan ang serbisyo ni Col. Sapitula, sinunod ng BITAG ang tinatawag ninyong Standard Operating Procedure.

Paladuda ang BITAG, pagtuntong pa lang namin sa bungad ng presinto sa Blumentritt, alam naming pinamumugaran ito ng mga AHAS dahil sa malansang amoy sa presinto.

Kayong mga pulis diyan sa Community Block Precinct sa Blumentritt, isang malaking kamalian ang panunuklaw na ginawa ninyo sa BITAG.

Dahil sa pangyayaring SUNUGAN sa ilegal na terminal, lumalabas na isa kayo sa protektor nito.

Hindi estilo ng BITAG na makipag-away sa mga alagad ng batas dahil ang mga operatiba rin ang kasama namin sa pagliligpit ng mga tiwali.

Pero sa ginawa ng mga bata mo P/Maj. Luis Francisco, itaga mo sa bato, hinding-hindi na pagtitiwalaan ng BITAG ang inyong presinto.

Eto lang ang sinisiguro ng BITAG sa mga traydor na katulad ng mga pulis diyan sa Blumentritt, may kalalagyan kayo!

At BITAG ang patibong n’yo!

BITAG

BLUMENTRITT

CENTRAL MARKET

COMMUNITY BLOCK PRECINCT

DAHIL

LUIS FRANCISCO

MAJ

POLICE PRECINCT

POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with