EDSA Uno, EDSA Dos, EDSA Tres
April 2, 2006 | 12:00am
Edsa Uno at Edsa Dos atin itong paghambingin
Malaki ang kaibahang ditoy ating mapapansin;
Dalwang Edsa ang naganap magkaiba ang layunin
Kaya isang kabaliwang ito ngayon ay ulitin!
Nang si Ninoy ay patayin buong bansa ay nag-aklas
Umuwi syang walang takot at sa bayan ay matapat
Akalain mo ba namang habang siyay nasa tarmac
Pagbaba sa eroplano binaril ng talipandas!
Dahil doon ay nagmartsa itong buong sambayanan
Mga bata at matanda, empleyado at sibilyan;
Ang dalaga at binata, ang sundalot kapulisan
Kapit-bisig na naglakad na ang mithiy kalayaan!
Kalayaan sa gobyerno na noon ay nagmalabis
At ang taong namumuno nagkaisang pinaaalis;
At iyan ang Edsa Uno na sa bansa ay nagtindig
Pagkat nooy may bayaning dugot buhay itinigis!
Ano naman ang Edsa Dos? Ah itoy nang pabagsakin
Ang lalaking inakala ng maramiy kadamdamin
Sinalaming halimbawat inakala na magaling
Iyon palay iba naman ang sa pwesto ay gagawin!
Kaya siya ay hinangad na sa pwesto ay ibaba
Nag-rally ang sambayanan at naglakad na sa Edsa;
Sa tulong ng militarit mga taong mapagpala
Iniluklok si Ate Glo sa pedestal nitong bansa!
At ngayon ngang si Ate Glo ang may hawaqk na ng timon
Hangad pa rin ng marami na siya ay ipatapon;
Gusto nila ay bumaba at ang poder iwan ngayon
Kahit walang napipisil ipalit ang Oposisyon!
Marami nang pagtatangkang si Ate Glo ay ibagsak
May kudeta at alyansa na sa bansay nagwawasak;
Tinangka ring ang Edsa Tres sa lansangan ay ilakad
Ngunit ito ay nabigo pagkat ayaw na ng lahat!
Kaya ngayoy ano na lang ang marapat nating gawin?
Dapat tayo ay magbuklod at ang diway pag-isahin;
Taong ayaw pang bumaba huwag na sanang pipilitit
Sa darating na halalan saka siya pabagsakin!
Sa ganito ay uunlad itong ating kabuhayan
At tiyak na aasenso itong ating Inang Bayan;
Di na natin papansinin kung mahirao o mayaman
Pagkat tayoy mabubuhay sa ligaya at mahalan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended