Kung bagyo si PO2 Neri kay Sec. Ermita baka di-makakilos si Gen. Versoza
April 2, 2006 | 12:00am
IPINAGYAYABANG ni PO2 Bayani Neri na malakas siya kay Executive Sec. Eduardo Ermita. Ito palang si Neri na kaibigan kong kolektor ng lingguhang intelihensiya ni CIDG director Chief Supt. Jesus Versoza ay nakasandal sa pader kayat hindi niya iniintindi ang mga pakiusap kahit ng superiors niya. Nagtataka ako kung paano nakakabit si Neri kay Ermita eh hindi naman siya tubong Batangas.
Naninirahan siya sa Tondo kung saan galit sa kanya o marami siyang nakaaway na kapitbahay, karamihan dito mga pulis din. Kaya lang, hindi ang pangalan ni Ermita ang nagigisa kapag nanghaharabas si Neri, sa Kamaynilaan at maging sa iba pang lugar kundi ang pangalan nga ni Versoza. Get mo, Gen. Versoza Sir? Kaya kung ano ang kagustuhan ni Neri, lalo na sa aspeto ng intelihensiya, ay nasusunod dahil hindi ka niya tatantanan hanggang makamtan niya ang pitsang iaabot niya sa amo niya. Alam kaya yan ng hepe ng CIDG NCR na si Sr. Supt. Asher Dolina? Pero hindi lang si Dolina ang may gamit kay Neri, Gen. Versoza Sir, dahil marami pang unit siyang binabanggit sa pag-ikot niya sa mga gambling lords sa Kamaynilaan.
Sa ngayon, sikat na si Neri. Bukambibig siya ng mga tropa ni alyas Pinggoy, ang operator ng sakla sa Malabon City. Ito palang si Pinggoy ay may balak maglatag ng sakla sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza subalit naunsiyami dahil kay Neri. Aba, bow ako kay Neri dahil napigilan niya ang pagyurak ng kaharian ni Atienza. Ika nga, may pakinabang na rin ang kasupladuhan niya. Kaya lang, kumalat ang balita na kaya ayaw ng kaibigan kong si Neri na pumasok si Pinggoy sa Maynila dahil may ibang financier siyang ipinipilit? Aba, hindi tama yan, di ba ka Rudy? Kaya sa pag-atras ni Pinggoy, babantayan ko kung sino ang financier ng sakla na bata ni Neri. Baka naman hindi lang nagkasundo sa intelihensiya si Neri at ang kampo ni Pinggoy?
Ang balita pa, nakarating na kay Versoza ang panghaharabas o pamamayagpag ni Neri sa Kamaynilaan.
Ang tiyak ko lang, mahihirapan si Versoza na arukin kung saan talaga na- ka-assign si Neri dahil nakatago siya. Ang ibig kung sabihin, hindi alam ng mga kapwa niya pulis kung saan naka-assign si Neri. Kumakalat kasi ang balita na naka-destino siya sa opisina ni Dolina sa Camp Crame. Mayroon ding CIDG-Manila siya o sa CIDG sa Region 4. Ayon sa kausap ko sa Manila Po-lice District (MPD), pinaimbestigahan na ni Verso-za si Neri at gagawaran ng kaukulang action bunga sa paggisa nito sa CIDG nga. He-he-he! Bilang na kaya ang mga araw ni Neri sa CIDG?
Wala ring humpay ang mga tawag na tinanggap ko para lubayan na si Neri. Pero mga suki, halos tatlong doble naman ang nagtutulak sa akin para huwag tantanan si Neri hanggang masupla siya ni Gen. Versoza. Anila, kung si Neri ay ayaw mapakiusapan, bakit nakikiusap din siya? Hmmm! May punto ang taga-MPD dito di ba mga suki? Gusto pala ni Neri ay panay take lang o papunta sa bulsa niya lang ang kilos ng kamay niya. Kaya doon tayo sa marami, di ba mga suki? Abangan!
Pero kung totoong bagyo si Neri kay Ermita, aba baka hindi makakilos si Gen. Versoza laban sa kanya? Sa susunod na mga araw ang kasagutan. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended