Balita sa mga pahayagan, radio at telebisyon na hindi sumang-ayon ang Senado na gawing Constituent Assembly ang Kongreso upang sila ang magsagawa ng mga pagbabago sa Saligang Batas. Sa ganoon, umugong ang pagkakaroon ng pangangalap ng mga pirma sa mga tao (peoples initiative) upang isulong ang Cha-cha. Noong Sabado (Marso 25) nagkaroon ng pambansang sabay-sabay na pagpupulong ng mga barangay na kung saan pangangalap ng mga pirma para sa Cha-cha ang nangyari.
Sa pangangalap ko ng impormasyon sa mga bara-ngay, nagkaroon ng kalituhan sa usaping Cha-cha. May ibang indibidwal na nagsabi sa akin na hindi sila pumirma dahil "magulo ang isyu." May iba naman na nagsabi na may isang barangay sa Quezon na itinakda ang bilang ng dapat na makalap na mga pirma. At "kapag hindi kumpleto ang mga inaasahang dapat pumirma ay hindi tatanggapin ng lokal na DILG." Subalit alas ng isang di-pumirma sa kanilang barangay na naisumite rin sa lokal na DILG ang kanilang papeles. Sa ganoon ang taong hindi pumirma ay naghinalang may ibang pumirma sa kanyang pangalan.
May iba ring nagsususpetsa na kaya gustong isulong ang Cha-cha sa pamamagitan ng peoples initiative ay upang mapalitan agad ang sistema ng gobyerno, at sa ganoon ay mapigilan ang oposisyon sa pagsulong ng panibagong "impeachment case" sa darating na Hulyo laban kay Pangulong Arroyo.
Tsk-tsk-tsk Ano ba yan?! Kailan tayo magkakaroon ng tunay na demokrasya na kung saan makatotohanan at malayang natatalakay ng mga tao ang mga usaping sangkot ang kanilang buhay at kinabukasan?