^

PSN Opinyon

Pangalan ni Gen. Querol ang ipinagmamalaki ng mga pulis na sina Sandoval, De Castro at Coderes

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MATAPOS makopo ang mga bookies ng karera at iba pang sugal sa southern Metro Manila, nagbakasakali ang gambling lord na si Val Adriano sa Maynila. At kung ang mga nakakausap ko ang paniniwalaan, mukhang nagtagumpay naman si Adriano at umaabot na sa 300 butas na ang kanyang puwesto sa kaharian ni Manila Mayor Lito Atienza.

Kaya naman pala mabilis umunlad si Adriano eh me tatlong itlog na nasa likod ng kanyang operation at sila nga ay ang mga pulis na sina Arnold Sandoval, at Noel de Castro ng RSAU at si alyas Coderes ng RISOO. Ang tatlong itlog ang taga-huli ni Adriano ng karibal niya sa negosyo. Ang ipinangalandakan nina Sandoval, De Castro at Coderes ay ang pangalan ng kaibigan kong si NCRPO chief Dir. Vidal Querol. Kaya malakas ang loob ng tatlong itlog ay dahil nakasandal sila kay Querol. Hanggang saan kaya ang buwenas nina Sandoval, De Castro at Coderes? He-he-he! Hanggang sa retirement ni Querol sa Agosto 13 ang kasagutan mga suki?

Sa pananaliksik ng mga suki ko, si Adriano ay nagsimula sa pagtitinda ng balut sa Sampaloc sa Makati City. Dahil sa tiyaga, nabiyayaan si Adriano at pumasok na nga sa sugal tulad ng karera. Noong una, naka-umbrella lang si Adriano sa mga kilala niyang gambling lord sa Makati at Pasay City hanggang sa lumaki siya. Doon na nagsimulang magsabong at luminya pa siya sa ibang klaseng sugal tulad ng jai-alai kung saan kumita siya ng limpak-limpak na salapi nga. Bumili siya ng mga kabayo at mga lupain sa Batangas City. Marunong talaga sa buhay si Adriano.

Kaya lang hindi nakuntento si Adriano at pinasok niya ang kalakaran sa Maynila. At sa tulong ng tatlong itlog, lalong pinag-ibayo niya ang expansion ng illegal niyang negosyo sa Caloocan City. Ang balitang nakarating sa akin, nababahala na rin ang gambling lord na si Danny Estanislao ng Caloocan City. Alam kasi ni Estanislao na masusulot siya ni Adriano kapag hindi siya kumilos para hadlangan ang balakin niya. Paano ang modus operandi nina Sandoval, De Castro at Coderes? Magandang tanong ’yan, di ba mga suki?

Para sa kaalaman ni Gen. Querol, wala nang ginawa ang tatlong it- log kundi mangharabas ng mga pasugalan hindi lang sa Maynila kundi maging sa Caloocan City. Siyempre, ang ipinangalandakan ay walang iba kundi pangalan ni Querol dahil ‘‘direkta’’ raw sila. Kapag mahina-hina o maliit lang na financier ang masagasaan nitong tatlong itlog, aba kadalasan sa mga puwesto o butas na madaanan nila ay nagsasara. At alam mo ba Gen. Querol Sir kung ano ang kasunod na ginagawa ng tatlong itlog? Inaagaw nila ang puwesto, pinabubuksan at ang bangka ay walang iba kundi ang buwenas na si Val Adriano.

At karamihan sa mga inagaw na puwesto ng tatlong itlog para kay Adriano ay ’yaong dating pinapatakbo ni Tom Sacueza o Boy Razon sa ngayon. Kaya habang namamayagpag si Val Adriano, naiwang luhaan itong sina Sacueza at Estanislao. May balita pa na sina Sandoval, De Castro at Coderes ay may sariling butas na rin at naka-umbrella lang sila kay Adriano para hindi uminit ang pangalan nila, he-he-he. Tago nga ang ilegal na negosyo nina Sandoval, De Castro at Coderes subalit nagagasgas naman ang imahe at karangalan ni Querol.

Abangan!

ADRIANO

CALOOCAN CITY

DE CASTRO

KAYA

MAYNILA

QUEROL

SANDOVAL

TATLONG

VAL ADRIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with