Ang tunay na restiveness sa military

TILA mali yata ang basa ni Lt. Gen. Hermogenes Esperon tungkol sa issue ng "restiveness" sa military. Ang sabi ni Esperon, hindi raw totoo na mayroong "restiveness" sa military dahil hindi pa inilalabas ang "Mayuga Report". Ang totoo diyan, may "restiveness" sa military dahil sa paniwala ng maraming sundalo na ginamit sila ng administration upang dayain ang nakaraang election, at hindi dahil sa hindi pa inilalabas ang "Mayuga Report". Ang report na ito ay matagal na nating inaabangan, dahil sa dito natin malalaman kung totoo nga bang kasali si Esperon sa ginawang pandaraya, at ang dalawa pang general na sina Lt. Gen. Roy Kyamko (Ret.) at Maj. Gen. Gabriel Habacon. Isa pang general, si Brig. Gen. Francisco Gudani ay isinama sa investigation dahil diumano ay kumampi siya kay FPJ.

Ayon kay Esperon, mas gusto niya raw na ilabas na ang report, ngunit sinabi niya rin na maaring "curious" lang daw ang mga sundalo tungkol sa report, kaya mas gusto niya raw na ilabas ito. Dagdag niya pa na iba daw ang ibig sabihin ng "restiveness", at iba naman daw ang ibig sabihin ng pagsasagawa ng "violent actions" dahil sa sinasabing "restiveness". Bakit kaya parang confident si Esperon na ilabas na ang report? Natitiyak na niya kaya na hindi siya masasabit kung saka sakaling mailabas na ito? Mayroon na kaya siyang advanced information kung ano ang nilalaman ng report?

Kung matandaan ninyo, lumutang ang pangalan ng tatlong general dahil nabanggit daw sila sa "Hello Garci" tapes. Dahil sa parang wala namang nangyari sa paglutang in Virgilio Garcilliano, tila nga yata hindi malayo ang possibility na napagtakpan na rin ang kanilang possible involvement. Kailan lang, naglabas ng report ang limang committee sa Kongreso na nagpawalang sala kay Garcilliano.

Totoo namang entitled din si Esperon sa kanyang opinion, ngunit tama man siya or hindi, hindi pa rin mawawala ang "curiosity" or "restiveness" ng mga sundalo hanggat nagkaroon ng wastong "closure" ang isyung ito.
* * *
Tune in to "USAPANG OFW" on DZRH AM radio every Sunday from 10 to 11 AM. Email royseneres@yahoo.com, text 09187903513, visit my website www.royseneres.com, call 5267522 or 5267515 or visit Our Father’s Coffee.

Show comments