Ayon sa orthodontist na si Dr. Helen M. Velasco, hindi naman dapat na lahat, maging teenagers o adults, ay magpalagay ng braces sa ngipin na prescribed lang sa mga may dental abnormalities gaya ng mga "sungki", "overbite" or a lower upperbite na sanhi ng paghaba ng baba.
Ipinaliwanag ni Dr. Velasco na ang kabataan ay puwedeng sumailalim sa orthodontic treatment, kabilang na ang paglalagay ng braces kapag kumpleto na at nasa tamang lugar ang kanilang permanent teeth. Itoy nagaganap sa mga 14 hanggang 16 years old.
Sinabi niya na makabubuting hanggat maaga ay maiayos na agad dahil kapag pinatagal pa ang treatment period ay tatagal at mas mahirap para sa pasyente. Ang mga tinaguriang dental abnormalities kapag hindi maagapan ay pinsala ang dulot sa general appearance ng tao.
Sabi pa ni Dr. Beltran, na hindi kaagad nasusunog ang brown skin na puwedeng mag-tan pero hindi masusunog dala ng melanin sa balat at higit sa lahat, ang balat na kayumanggi ay hindi agad tatalaban ng skin cancer na isa sa pangunahing sanhi ang chronic sun exposure.