^

PSN Opinyon

Brace sa ngipin at kayumangging kaligatan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAPAG naka-brace ang ngipin ay in-na-in ka. Sasabihing isa kang fashionista at mapera kapag may braces ang ngipin mo at patuloy ang pagdami ng mga naka-braces lalo na sa mga kabataan.

Ayon sa orthodontist na si Dr. Helen M. Velasco, hindi naman dapat na lahat, maging teenagers o adults, ay magpalagay ng braces sa ngipin na prescribed lang sa mga may dental abnormalities gaya ng mga "sungki", "overbite" or a lower upperbite na sanhi ng paghaba ng baba.

Ipinaliwanag ni Dr. Velasco na ang kabataan ay puwedeng sumailalim sa orthodontic treatment, kabilang na ang paglalagay ng braces kapag kumpleto na at nasa tamang lugar ang kanilang permanent teeth. Ito’y nagaganap sa mga 14 hanggang 16 years old.

Sinabi niya na makabubuting hangga’t maaga ay maiayos na agad dahil kapag pinatagal pa ang treatment period ay tatagal at mas mahirap para sa pasyente. Ang mga tinaguriang dental abnormalities kapag hindi maagapan ay pinsala ang dulot sa general appearance ng tao.
* * *
Lahing kayumanggi ang mga Pilipino. Hinahangaan ang ganitong klase ng kutis kaya tinawag na kayumangging kaligatan. Pero nakakalungkot isipin na maraming Pilipina ang mas gustong maging maputi gayung mas sinabi ni Dr. Grace Palacio-Beltran ng St. Luke’s Medical Center na kumpara sa puti o ang tinaguriang Caucasian skin, mas maraming melanin ang kutis-kayumanggi. Ang melanin ay isang substance na siyang nagbibigay ng proteksiyon sa balat sa mapaminsalang epekto ng araw. Sinabi niya na dahil sa brown skin natin kaya mas mukhang bata at hindi kaagad nagmumukhang matanda tayo gaya ng mga Caucasians.

Sabi pa ni Dr. Beltran, na hindi kaagad nasusunog ang brown skin na puwedeng mag-tan pero hindi masusunog dala ng melanin sa balat at higit sa lahat, ang balat na kayumanggi ay hindi agad tatalaban ng skin cancer na isa sa pangunahing sanhi ang chronic sun exposure.

vuukle comment

AYON

DR. BELTRAN

DR. GRACE PALACIO-BELTRAN

DR. HELEN M

DR. VELASCO

MEDICAL CENTER

SINABI

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with